Chapter 30

4.7K 281 20
                                    

AMUSEMENT PARK

. . .

Avery's POV


"Bunso!" napalingon ako sa aking likuran at nakita ang taong sumigaw ng bunso kanina.

Paglingon ay napangiti ako at kumaway sa kanya habang papalapit. Nginitian din naman ako nito at kumaway.

"Kuya Kurt," tawag ko kay kuya.

"Ano, ready na ba ang pinakamamahal kong bunso?" nakangiti nitong tanong sa akin. Tumango naman ako sa kanya at umangkas na sa motor nito. Muli nitong sinuot ang kanyang hawak na helmet at binigyan din ako ng helmet na masusuot. Pinaandar na ni kuya ang makina ng kanyang motor at ito'y pinaharurot sa daan.

Isang araw na ang nakalipas mula noong huling pumunta kami ni Travis sa kanilang mansyon. And today is the day where this will be the last time na makakasama ko ulit si kuya bago lumipad ng ibang bansa.

Kakatapos lamang ng klase namin ngayong friday at imbis na pauwi na ay napag-isipan namin ni kuyang gumala na lamang upang maipasyal ako sa kung saan.


And here we are.

Nakakapit lamang ako sa kanyang bewang habang iniikot ang aking paningin sa mga nadaraanan. Kagabi palang ay sinabihan na niya akong gagamit kami ng motor paalis. Noong una ay hindi pa sana ako papayag dahil takot ako sa mga motor at pangalawa ay never pa akong naka-angkas doon pero dahil mapilit si kuya ay napapayag na niya ako sa huli.

May tiwala naman ako kay kuyang magpaandar ng motorsiklo, sadyang takot lang talaga akong sumakay sa mga motorsiklo.

Hindi ko alam kung saan niya talaga ako dadalhin kaya naman buong biyahe namin ay hindi ako umangal at pinabayaan lamang siyang magmaneho ng matiwasay.

Dapit-hapon na pero nagb-biyahe pa rin kami sa gitna ng kalsada. Kanina ay nagkukwentuhan naman kaming dalawa ni kuya pero nang mapagod kakasalita ay tumahimik na lamang ako at sumandal nalang sa kanyang likuran. Napabuntong-hininga ako.


I will always miss this scene... this moment.

"Kuya..." mahina kong bulong sa kanya.

"Hmm?"

"Pwedeng... huwag ka nalang bumalik doon?" hindi ko mapigilang maluha habang tinatanong ito dahil sa bigat na nararamdaman.

Bahagyang naramdaman naman nito ang pamamasa ng kanyang suot na jacket sa likod kaya napagtanto nitong umiiyak ako sa kanyang likuran. Bumaba ang kanyang mga balikat.

"Bunso... alam mo namang hindi ko magagawa iyon," malungkot nitong ani. Mas humigpit na lamang ang pagkakayap ko sa kanya at huminga ng malalim. Hindi na ako nagsalita pa ng kahit ano at dinamdam na lamang ang bawat saglit sa pamamagitan ng pananahimik buong biyahe.


Kung matagal pa bago ito muling maulit, mas mabuting sulitin ko nalang ang oras na nakalaan para sa amin.


***


"Andito na tayo, bunso." Naramdaman ko si kuyang yumuyugyog sa 'kin upang magising ako kaya naman dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.

Dahil kakagising pa lamang ay hinayaan muna ako ni kuyang makapag-adjust sa nakikita at hinintay akong makababa ng kanyang motorsiklo.

Nagkusot naman ako ng mga mata bago bumaba sa pagkaka-angkas ng kanyang motorsiklo. Inalalayan ako nitong makababa upang hindi mahulog sa lupa. Nag-stretching muna ako saglit at habang nag-iinat ng katawan ay inikot ko ang aking paningin sa paligid.

May mga batang naghahabulan at nagsisigawan. May mga matatandang nagkukwentuhan sa mga tabi-tabi, at meron ding mga stalls and booths na nakakalat sa buong paligid.


How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now