Chapter 15

6.9K 392 13
                                    

REASON

. . .

Avery's POV


"Arrrghhh!" malakas nitong pagdaing.

"Kasalanan mo yan dahil hinalikan mo ako," galit kong anas habang mas dinidiinan pa ang paghawak ko sa kanya.

"But I'm not the one who started. You are. I just continued what you were doing," pagdepensa pa nito sa sarili. Dahil sa inis ay mas nilakasan ko ang pagkakadikit ng bulak sa kanyang labi.

"Aww!" hindi na siya nakatiis pa at mabilis na inilayo sa akin ang kanyang mukha pero hindi bago man nito malayo ng tuluyan ay mahigpit kong hinawakan ang kanyang panga at muling nilapit sa 'kin. Minsan ay sinusubukan pa nitong pumiglas kaya mas nilalakasan ko pa ang pagkapit ko sa panga nito upang hindi ito makalayo.

Hindi na ako nagsalita pa at tinapos na lamang ang ginagawa. Dapat kasi ay kanina pa ito natapos kaso dahil nga sa nasampal ko siya ng wala sa oras ay muli na naman itong nagdugo kaya naman kinailangan ko na namang linisin.

Pinunasan ko muna ng alcohol ang gilid-gilid nito bago takpan ng band-aid at pagkatapos ay kinuha na ang mga gamit upang mailigpit sa kit.

"Ayos na."

Sa huling pagkakataon ay muli kong tiningnan kung maayos ba ang pagkakadikit ng ginupit kong band-aid sa labi niya subalit hindi ko maiwasang ibaling na naman ang tingin sa kanyang mga matang kanina pa nakatitig sa akin.

Napaungot na lamang ako ng palihim dahil sa kanyang matiim na pagtingin.


Bwisit naman kasing mga tingin 'yan. Kaya nakakagawa ako ng mga bagay na hindi naman dapat gawin eh.

Binuhat ko na ang lalagyan ng mga panlunas sa sugat at ako na rin ang nagbalik nito sa tamang pinaglalagyan.

Matapos ibalik sa cabinet niya ang mga kagamitan ay akmang bababa na sana ako nang bigla na lamang siyang sumulpot sa aking harapan at hinablot ang aking mga kamay.

"Where are you going?" natataranta niyang tanong. Kumunot naman ang noo ko dahil sa biglaang inakto nito at naguguluhan itong sinagot.

"Kukunin ko yung bag ko. May assignments tayo, remember?" nagtatakang paalala ko.

Nang magsink-in naman sa kanya ang sinabi ko ay bumitaw na ito sa akin at hinayaan akong makalabas ng kanyang kwarto. Lumabas naman ako sa kanyang pintuan at pagsara ko ng pinto ay tahimik akong tumakbo pababa at mabigat na bumuntong-hininga.


Pinagsasampal-sampal ko ng maraming beses ang aking mga pisngi bago umiling. Ano bang pumasok sa isipan ko at bigla ko nalang siyang hinalikan? Takte naman, nakakahiya!

Tinungo ko ang sofa na pinaglalagyan ng aking bag at ito'y kinuha. Tama, itutuon ko nalang muna ang lahat ng aking pansin sa pag-aaral. Kalimutan na natin ang mga nangyari.

Umakyat na ako ulit at muling bumalik sa kanyang kwarto. Pagpasok ay nadatnan ko itong nakatayo pa rin mula sa kanina niyang pwesto at nakayuko. Umangat naman ang tingin nito nang makita akong pumasok at muling nagtama ang aming mga mata.

Hindi naman ito nagsalita at sa halip ay napatulala lamang sa kanyang harapan.

I silently frowned.


Bakit ba ito nagkakaganito? Hindi naman siya matulalain dati?

Ako na ang naunang umiwas ng tingin sa 'ming dalawa at naiilang na nagtungo sa kanyang kama. Ibinaba ko ang aking bag sa lapag lamang ng kama at binuksan ang zipper pagkatapos. Napatingin naman ako sa kanya nang hindi pa rin ito gumagalaw mula sa kanyang kinatatayuan kanina.


How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon