Chapter 26

5.2K 310 57
                                    

WORRIED

. . .

Avery's POV


"Correct, Ms. Mocco," wika ng teacher namin bago pinaupo na ang babae sa kanyang seat. Bumalik naman ito sa pagkakaupo at muling nagpatuloy na sa pagdidiscuss si ma'am.

Kasalukuyan kaming nagl-lecture sa aming first subject at halos kalahating oras na ang nakalipas mula ng huli kong makita sina Travis at Andrei sa labas ng kalsada. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakapasok ng classroom. Napakagat ako ng labi.

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Dapat pala ay hindi ko nalang sila iniwan. Baka napano na pala yung dalawang 'yon. Nasaan na kaya sila?

Dahil sa pagiging lutang ay kinalabit ako ni April sa aking tabi. Napalingon naman ako rito at nagtaas ng dalawang kilay.

"Ayos ka lang bebe? Huwag ka ngang kabahan, para ka naman sira jan. Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na walang mangyayaring masama sa dalawang 'yon? At kung meron man, sila pa ba? E mas malakas pa nga sa mga kalabaw yung dalawang yun," pagpapagaan sa akin ni April ng loob.

Kahit papaano'y gumaan naman ng kaunti ang pakiramdam ko sa kanyang mga sinabi pero hindi ko pa rin maiwasang matakot sa maaaring mga mangyari. Napabuntong-hininga nalang ako.


Oo nga, maniwala ka nalang kay April. Para namang hindi sila nagiging ganito dati. Masyado lang akong nag-iisip ng masama.

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at muling nagfocus sa discussion. Tama, mamaya ko nalang sila intindihin dahil malalaki naman na silang dalawa. Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang makinig ng mabuti para sa nalalapit na exam.


Mabilis na dumaloy ang mga oras at natapos ang mga klaseng wala pa ring pumapasok na Travis at Andrei. Nakikinig naman ako sa lecture ng mga sir namin ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para sa dalawa.

Kaya naman nang mag-lunch time ang ay napag-desisyunan ko nang hanapin silang dalawa upang maalis na itong kaba ko sa dibdib.

"April, tara na," tawag ko sa kanya nang makitang hindi pa rin ito tapos mag-ayos ng mga gamit. Tumingin naman ito sa akin bago sumimangot.

"Ang atat mo talaga. Hindi ba pwedeng pakalmahin mo muna 'yang butsi mo? Jusko, nag-aalala ka lang para sa wala," nayayamot na niyang saad. Kanina ko pa kasi siya sinasabihang hanapin na namin yung dalawa kaya hindi ko rin ito masisisi.




Pero hindi niyo rin naman ako masisisi. Ako yung huling kasama nung dalawa at mga kaibigan ko rin naman sila kaya normal lang naman sigurong matakot para sa kalagayan nila, 'di ba?

Nang matapos si April ay lumabas na agad kami ng classroom. Bawat silid na aming nadadaanan ay sinisilipan namin upang matingnan kung naroon ba yung dalawang lalaki. Hindi ako mapakali habang hinahanap sila pero pilit ko namang hinihinaan ang kaba kong nararamdaman.


Wala naman kasing magandang maidudulot itong kabado ko.

Nang walang makita kahit isa sa kanila ay bumaba na kami ng palapag. Pagbaba ay una naming pinuntahan ang gymnasium dahil ito ang pinakaunang madadaanan sa direksyon namin. Pagkatapos ay saka na kami tumungo sa court.

Hindi pa man kami nakakapasok ay kapansin-pansin na ang pagkukumpulan ng maraming tao sa loob. Paunti-unti naman akong pinaroroonan ng lakas ng loob habang tinatalakay ang daan.

Tama. Maaaring nandito lang sila.


Sana...

Pagtungtong sa aming court ay nakipagsisikan pa kami sa lahat ng mga tao. Hindi pa sana kami tutuloy ni April dahil sa rami ng mga estudyante pero dahil isa akong dakilang matigas ang ulo ay pinilit ko pa ring makapasok sa loob ng court. Napairap na lamang sa 'kin si April at sumunod.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now