Chapter 67

2.4K 168 11
                                    

WEIRD

. . .

Avery's POV


"Gusto mo ng candy, Avery?"

"Avery doesn't like candies."

"Hindi ikaw kinakausap ko b*gok. Si Avery."

"Who cares? Ayaw nga niya. Bakit ba ang tigas niyang bungo mo?"

"E bakit ba ang pakialamero mo? May sinabi ba si Avery na ayaw niya sa candy? Wala diba? Bakit 'di ka nalang magmaneho ng tahimik jan?"

"Can you just f*cking shut up? Napakadaldal mong impakto, Andrei."

"Hindi ako magdadaldal kung hindi ka sana sumabat! Avery oh!" kinalabit ako ni Andrei sa likod ko habang nakatingin pa rin ng masama kay Travis.

Dahil hindi na talaga ako makapagtimpi pa sa kanilang bangayan ay napahinga na lamang ako ng malalim bago tuluyang nilingon si andrei mula sa backseat.

"Akin na 'yang candy mo, dali!" naiinis kong utos kay Andrei. Bahagya naman itong nagulat dahil sa inasal ko at maya-maya'y kinuha mula sa bulsa ang dalawang pirasong candy.

Pag-abot ko sa kanyang mga hawak ay mabilis ko itong tinanggal sa pagkakabalot at pagkatapos ay walang pag-aalinlangang ipinasok ito ng diretso sa loob ng mga bibig nitong kasama ko.

Mukhang hindi naman iyon napaghandaan ni Travis kaya halos mabululunan ito sa ginawa ko samantalang si Andrei naman ay dagling napaatras nang ipasak ko sa kanya ang kanyang dalang candy.

"Oh, ayan! Kainin ninyong dalawa at baka sakaling tumikom na iyang mga bibig niyo. Hindi ba kayo titigil kakasagutan sa isa't isa? Para kayong mga aso't pusa! Daig niyo pa ang mag-asawa kung mag-away." Tiningnan ko silang dalawa ng masama at napairap.

Saglit kong nilingon si Andrei at nakitang nakasilip na lamang sa gilid ng bintana.

"Ikaw Andrei, candy lang yan pero ba't pinatulan mo pa si Travis?" hindi naman ito sumagot sa akin, bagkus ay dahan-dahang nilunok na lamang ang kanyang candy na nginunguya. Bumaling naman ako kay Travis na tumahimik na rin ngayon mula nang ipakain ko sa kanya ang isa pang candy.

"At ikaw naman, bakit ka ba sumasabat sa usapan namin? Ikaw ba yung kinakausap? Isang beses pang makarinig ako ng isang salita sa inyong dalawa hanggang makarating tayo sa campus, magc-commute na talaga ako papuntang beach," pinal kong saad sa kanila.

Nakakainis na kasi. Simula nang magkita itong dalawang lalaking 'to, hindi na sila tumigil pa sa pagbabangayan. And take note, hindi pa kami nagsisimulang bumyahe papunta sa outing namin! Susunduin palang namin sina April at Emma sa university dahil mas matatagalan pa kung sa iisa-isahin namin sila sa kanilang mga bahay.

Sa kabilang direksyon pa kasi ang daan ng kanilang mga bahay kaya naman napag-isipan naming sunduin na lamang ang mga ito sa gate ng school.

But speaking of the two, aaminin kong medyo na-ooff pa rin ako dahil makakasama namin ngayon si Emma.

Hindi ko lang talaga ma-feel na lalabas kaming kasama siya. It's not that ayaw ko talaga sa kanya, okay? I just really feel a bit uncomfortable everytime na may nakakasalamuha akong hindi ko pa lubos na kilala.

Though may konting kaalaman naman na ako sa kanya. Pero iba pa rin talaga kapag kilala mo na yung tao. Lalo na't sa mga pinapakita pa naman niyang ugali noong nakaraan ay wala na akong iba pang nakita bukod sa maglandi ito or ngumiti ng plastic.

How To Tame A DemonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant