Chapter 61

3.2K 218 25
                                    

CONVENIENCE

. . .

Avery's POV


"D-date...?"

"Uhh... yeah," mahina nitong tugon.

"Kasama sila April?"

"Ye—what?! No! They're not--"

"Anong pinag-uusapan niyo?" sabay naman kaming napalingon kay Andrei nang bigla itong sumulpot sa aming harapan.

"A-ano, tinatanong lang niya ako kung pwede raw ba tayong magdate. Alam mo yun? Yung ano... group date gano'n... na friendly... na date. Pero g-group siya..." halos manigas ang mga labi ko sa sobrang kaba habang nagsasalita.

"Group date?" pag-uulit ni Andrei sa sinabi ko. Napansin kong aangal na sana si Travis pero mabilis akong tumango.

"It isn't--"

"O-oo... ayos lang ba?" daglian kong pagsabat kay Travis.

Saglit namang namayani ang katahimikan sa buong paligid. Matagal kaming nagkatitigan ni Andrei kaya pilit kong pinatigas ang aking ekspresyon upang hindi nito mapansin ang pagsisinungaling ko.

Matapos ang ilang segundo ay binigyan muna ako nito ng isa pang sulyap bago unti-unting tumango.

"Sure... not a big deal," nakangiti nitong sagot sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Umupo na ito sa aming tabi habang ako nama'y palihim na pinunasan ang pawis na muntikan nang tumulo sa gilid ng noo ko.

Hindi na ako nagtangka pang sumulyap kay Travis upang alamin kung anong naging reaksyon nito dahil ramdam ko naman hanggang ngayon ang malalim pa rin nitong pagtitig sa akin.

Kinakabahan man sa paraan ng kanyang mga tingin pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Huminga akong malalim.


Date?! As in, lalabas kasama siya? Bakit niya naman naisipang magdate kaming dalawa?! Nababaliw na ba siya?

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. It feels like it's taking too fast. Parang kahapon lang ay kaka-confess pa lamang nito sa 'kin tapos bigla nalang nauwi sa isang kababalaghan and then now--


He is asking me for a date. Just what is happening right now? Si Travis ba talaga itong kausap ko?

Mabuti na lamang at biglang kumawala sa bibig ko kung kasama ba sila April kanina. I mean, I don't even know what to respond next to him after that.

Hinayaan ko na lamang na dumaloy ang mga oras ng hindi binibigyang-pansin si Travis at hinintay na lamang na matapos ang natitirang minuto ng break time namin.


***


Time goes by and now, it is dismissal time. Dahil naglecture lang naman ang aming proctor sa last naming subject kanina ay hindi na ako nag-abala pang ilabas ang mga libro ko at nakinig na lamang sa nagsasalita.

At dahil hindi nga ako nagkalat ng mga gamit ay mabilis ko nang sinukbit sa aking balikat ang dala-dala kong bag at nagmamadaling tumayo papalabas ng silid-aralan.

Habang naglalakad sa gitna ng hallway ay namalayan kong sumasabay pala sa aking paglalakad sina April at Andrei. Ngunit nung saktong makaabot na kami sa gate ay nagpaalam na rin kalaunan si April dahil sa kabilang ruta ang daan ng kanyang tinitirhan.

Kinawayan ko na lamang siya at nagpaalam habang pinagmamasdan itong maglakad papalayo.

Nang hindi ko na maaninag pa ang kanyang pigura ay saka lamang ako nagpatuloy sa paglalakad at muling sumabay naman sa akin si Andrei. Kung kanina'y nakasabay lamang ito sa aming likuran ni April, ngayon ay tumabi na ito sa aking gilid na wari'y pinalitan si April ng pwesto.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now