Chapter 34

3.8K 298 29
                                    

TWENTY-EIGHT

. . .

Avery's POV


"Don't you f*cking touch what's mine."

"What the hell, bro." Nagpunas ng dugo sa labi si Harry at akmang susuntok na sana pabalik nang mabilis itong inawat ng kanyang mga kasamahan at pinaglayo silang dalawa.

Bagama't tutol din si Travis sa kanila kaya siya na mismo ang lumapit kay Harry. Agad naman akong naalerto sa kanyang mga ikinilos kaya mabilis kong hinablot ang kanyang isang kamay upang patigilin.

Napatingin ito sa akin.

"P-please... huwag..." nauutal at kinakabahan kong pakiusap. Bahagya naman itong natigilan dahil sa aking sinabi at hindi kalaunan ay lumambot ang ekspresyon nito sa mukha.

Tila nahimasmasan naman ako sa mga nangyari at nakahinga ng maluwag. Hindi silang dalawa pwedeng mag-away ngayon. Lalo na't nasa loob pa naman sila ng isang laro.

Muling binalingan ni Travis ng tingin si Harry pero hindi na siya lumapit pa at binigyan na lamang ito ng masamang tingin. Hindi naman nagpatinag si Harry at kumawala sa kanyang mga kasama para lapitan si Travis sa kinatatayuan nito.

Noong una'y akala ko, gaganti pabalik sa Harry sa kanya subalit maling akala ko lang pala iyon dahil nang makalapit si Harry ay tumigil din ito sa kanyang harapan at nakipagtalasan ng masamang tingin. Kapansin-pansin din ang bahagyang pananahimik ng mga taong kanina ay namamayani pa sa bawat sulok ng court.

Muli kong ibinaling ang aking tingin sa dalawa at sila'y pinagmasdan.

Pantay lamang ang tangkad nilang dalawa. Parehong nagtatapunan ng mga tingin at walang may balak na kumurap sa dalawang lalaki. Tila para bang kungsino man ang maunang pumikit sa kanilang dalawa ay siya ang talo.


... hindi ba't parang dati ay nangyari na ito?

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at marahang pinisil ang hawak kong kamay ni Travis.

"Travis... tara na," mahina kong bulong sa kanya. Pero kahit alam kong naririnig niya ang sinabi ko ay hindi pa rin ito sumunod at patuloy lamang sa pakikipagtalasan ng tingin kay Harry. Napabuntong-hininga na lamang ako at napayuko.

Hinintay ko silang matapos dahil ang akala ko'y binibigyan lamang niya ito ng huling tingin bago bumalik sa kabilang parte ng kanilang court. Pero hindi naman pala. Dahil patuloy pa rin ang paligsahan nila sa kanilang mga mata at walang may gustong magpatalo sa dalawa.


Pero maya-maya rin ay may mauuna ng pumikit sa kanilang dalawa. Si Harry.

Nabatid ko rin ang bahagyang pagngisi ni Travis dahil sa biglaang pagpikit ng mga mata ni Harry. Tiningnan naman siya ng masama ni Harry at mabilis itong pagalit na sinumbatan.

"F*ck! You cheat! Hinipan mo mata ko--"

"Why? Is there are rule that you can't blow the eyes of your enemy in a staring contest?" Travis smirked.

"Oo! Ang dungis mong maglaro."

"Oh? So this is a game? Well, I don't play fair in my game that's why," mapang-uyam na sumbat ni Travis sa kanya.

May sasabihin pa sana itong karugtong pagkatapos no'n pero hinapit ko na siya palapit sa akin kaya naman tumigil na siya.

"Tama na... please," pagpipigil ko sa kanya. Muling bumaling naman ito sa akin at ngumiti bago tumango.

Aktong pabalik na sana kami sa kabilang pwesto ni Travis nang bigla na lamang kaming pinahinto ng coach at ng referee. Maski ang coach din ng basketball team namin ay lumapit upang kausapin si Travis. Bigla akong kinabahan.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now