Chapter 66

2.6K 159 20
                                    

PREPARATION

. . .

[ TWO DAYS LATER ]

~ ~ ~

Avery's POV


"Hey... baby,"

"Hmmm..."

"Wake up, goodmorning." Ramdam ko ang mahinang paghimas nito sa mga aking braso at maya-maya'y tinapik ako ng malumanay. Dahan-dahan akong napainat dahil doon.

Hindi agad ako bumangon matapos gisingin ni Travis sa aking malambot na kama. Kahit naman hindi ko na tingnan pa ng malinaw kung sino ang gumising sa 'kin ay kilalang-kilala ko naman ang malalim nitong boses.

Muli akong nakabalik sa aking mahimbing na pagtulog.

"Avery..." muli akong ginising ni Travis nang mapansin nitong nakaidlip na naman ako. Ramdam kong pumwesto ito sa aking likuran at kumapit sa aking magkabilang balikat. Nakatagilid kasi ako ng higa ngayon sa kama kaya naman nagawa nitong mahiga sa aking likuran.

Hindi pa rin sana ako makikinig sa kanya nang bigla na lamang akong makaramdam ng tila isang basang bagay sa kanang parte ng aking leeg. Mabilis naman akong napadilat nang maramdaman itong dumila sa aking balat at natutulirong napaupo ng wala sa oras.

Napahawak ako sa parte ng kanyang hinalikan at nag-init ang mga pisngi nang maramdaman ang basa nitong iniwan. Namumulang sinipat ko siya.

"B-baliw!" mahinang anas ko sa kanya bago tumakbo patungong banyo. Narinig ko naman itong natawa pa sa aking inakto ngunit hindi ko na lamang siya binigyang-pansin.

Napakabastos talaga ng lalaking 'yon. Gigising na nga lang ng tao, idadaan pa talaga sa kamanyakan.

Naiiling na naghilamos na lamang ako ng aking mukha at nagsipilyo. Habang naglilinis ng ngipin ay muli kong naalala ang mga kaganapang nangyari noong nakaraan.

Dalawang araw pa lamang ang nakakalipas mula noong mangyari ang aming first date. Matapos naming manood ng pelikula sa loob ng mall ay para bang isang kisap-matang natapos ang lahat ng mga nangyari.

Pagtapos naming manood ay nagtungo pa kami sa isang amusement park upang sulitin ang natitirang mga oras hanggang sa maggabi. Nagpicture-picture sa kung saan-saan at sumali sa mga rides na talaga namang nakakatakot pero mukhang mas manhid lang talaga itong ka-date ko sa matigas na poste at nakalimutan na yata kung paano matakot.

May ilang mga bagay ding naganap sa pagitan naming dalawa pero nalutasan naman kaagad bago kami umuwi ng bahay. Ayoko mang alalahanin nalang pero pabalik-balik kasing umiiral talaga sa aking isipan.

I mean, can you imagine? Bigla na lamang may sumulpot sa harapan mong lalaki at hinalikan ka ng walang ano-ano sa gitna ng parke? At ang mas malala pa ay isang estranghero yung humalik sayo?

Sobrang natakot talaga ako noong mga oras na 'yon. Hindi lamang dahil sa hindi ko kakilala yung tao, pero dahil na rin sa labis na kabang nararamdaman nang bigla na lamang sumugod si Travis sa lalaki.

Kilalang-kilala ko si Travis. Kamao ang unang pinapagana nito bago gamitin ang utak. Mabuti na lamang at may ilan ding mga matatanda roon at tinulungan akong paawatin si Travis sa pagbugbog doon sa lalaki. Hindi naman kabataan yung humalik sa akin. Batid ko ay mga nasa ka-edaran ko lamang.

Matapos ang araw na iyon ay napansin kong mas naging malapit pa ito sa akin. Yung inaakala kong pagiging clingy nito dati ay may mas ilalala pa pala.


How To Tame A DemonΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα