Chapter 40

4.4K 281 22
                                    

UNKNOWN

. . .

Avery's POV


"Oh, Travis anak. Anong ganap at naparito ka? Naku, hindi pa naman ako nakapagluto ng marami!" aligagang pamungad ni mama nang makita kaming pumasok ng sala.

Ibinaba ko muna ang aking bitbit na bag bago yumakap kay mama samantalang si Travis naman ay nagmano rito at umupo sa sofa.

"It's fine, tita. No need to cook for more basta... dito po ako makikitulog muna?" biglang pagsingit nito sa usapan. Bahagyang natawa naman si mama sa kanya at pinalo pa ang braso bago tumingin sa akin ng nakangisi.

"Ano ka ba! Ayos na ayos lang, anak. Kahit dito ka na matulog araw-araw, hindi ka naman pabigat sa akin hindi tulad nitong kasama mo," abot-tengang ngiti niya na ikinangiti rin naman nung isa. Napairap na lamang ako sa kanilang dalawa.


Ano 'to, buhatan lang ng isa't isa?

Iniwan ko na lamang silang dalawa at umakyat na sa aking kwarto.

Pagkarating ay mabilis kong ikinandado ang pintuan at nagsimulang hubarin ang aking mga kasuotan.

Dumiretso ako sa loob ng banyo pagkatapos at naglinis na agad ng katawan. Hindi naman katagalan bago ako matapos sa pagligo at nagbihis na ng mga panibagong damit bago bumalik sa sala.

Pagkababa ay sakto namang nakita kong nanonood ng telebisyon si Travis habang si mama ay naghahain ng mga pagkain.

Tinulungan ko naman si mama na mag-ayos ng mga pinagkainan at maya-maya ay inutusan ako nitong tawagin na sa sala si Travis. Sinunod ko naman ang utos ni mama at tinawag nga sa sala si Travis.

"Travis, kakain na," tawag ko rito nang makalapit sa pwesto niya. Mabilis naman itong tumalima nang marinig ang sinabi ko at nagmamadaling pumunta sa kusina. Napailing na lamang ako sa kanya at ako na mismo ang nagpatay ng TV bago bumalik ng kusina.


***


Payapang natapos ang aming kainan. Kahit na tatlo lamang kaming kumakain sa hapag-kainan ay hindi naman malungkot dahil ka-video call namin kanina si kuya na kasalukuyan din palang kumakain ng kanyang umagahan.

Kinamusta lang naman namin siya kung nakarating ba ito ng maayos kahit na alam na namin ang kanyang isasagot. Mas nakakagaan lang kasi talaga sa pakiramdam kapag siya mismo ang magkukumpirma no'n sa amin.

Marami kaming pinag-usapan bukod lamang sa kanyang paglipad ng ibang bansa. Kahit na ilang araw pa lamang mula noong huli ko siyang makasama ay marami na agad akong mga kwento sa kanya. Siya rin naman ay nagkwento rin ng kung ano-ano tungkol sa kanyang pagbabalik ng abroad.

Habang nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan kanina ay bigla kong nabanggit sa usapan ang biglaang pagpaparito ni Travis sa bahay.

Halos masamid naman ito sa kanyang iniinom na tubig dahil sa pag-bring up ko ng topic at namumutlang ibinalik ang tingin sa screen. Napansin ko ang sandaling pananahimik ni kuya at ang mga masasama nitong tingin kay Travis na siya namang ikinangisi ko.

Pero mabilis din iyong nawala nang biglang sinabi ni kuyang okay lang naman daw itong manirahan basta raw ay wala itong gagawing masama at wala ring gagalawin na kahit anong bagay sa loob ng kanyang kwarto. Nanlumo tuloy ako sa narinig.




Akala ko pa naman, papagalitan ni Kuya Kurt si Travis at hindi papayagang makitulog dito sa 'min. Hindi naman pala.

Batid ko naman ang labis na saya nitong katabi ko habang kumakain. Tuwang-tuwa siguro at pinayagan itong makitulog sa aming bahay. Pero agad din namang nawala iyon nang binilinan siya ni kuyang bawal matulog sa tabi ko. Walang nagawa si Travis kundi ang umungot at pilit na tumango na lamang.

How To Tame A DemonOnde as histórias ganham vida. Descobre agora