Chapter 50

3.8K 253 37
                                    

CARE

. . .

Avery's POV


"Hayy... mabuti ka pa Toby, nakakausap ng matino," nakanguso kong saad sa kanya habang pinapat ang kanyang ulo. Mukhang nagustuhan naman nito ang aking ginagawa dahil mas sumiksik pa ito sa harapan ko. Napangiti na lamang ako sa kanya at hinayaan siyang matulog sa taas ng katawan ko.

Simula kasi kaninang bumaba si Travis upang kuhanan ako ng pagkain ay si Toby nalang ang naglibang sa akin. Dahil hindi ako makatayo at makakilos ng maayos ay si Toby na ang kumuha ng pajama kong hindi isinuot sa akin ni Travis. Ang cute nga niyang panoorin at hirap na hirap itong umakyat sa table dahil mataas ito pero nakuha rin naman niya matapos ang ilang subok at bumaba na.

Siya na rin mismo ang tumalon at lumapit sa aking pwesto. Pinat ko naman ang ulo nito bago isinuot ang dala nitong pajama ko. Napahalakhak pa nga ako nang bigla itong pumatong sa itaas ko at pagkatapos ay doon natulog. Napakalambing niya talaga.

Dahil wala na rin naman akong magawa ay naisipan kong kwentuhan na lamang ito ng kung ano-ano. Kahit naman alam kong wala itong maintindihan sa akin ay nakinig pa rin ito at nanatili lamang sa kanyang hinihigaang pwesto.

Malaki man siya at mabigat para sumampa sa akin ay wala naman akong problema ro'n dahil siya lang naman ang makakausap ko sa ngayon atsaka namiss ko rin kasi itong aso na 'to dati pa. Akala ko nga talaga ay hindi ko na siya makikita pa.


Pero tingnan mo nga naman, ang laki-laki na niya. Pwede nang maging tatay! Hehehe.

Habang ako'y nakikipag-kwentuhan kay Toby ay bumalik na rin si Travis na may dala-dalang isang tray na puno ng pagkain. Nagulat naman ako nang biglang napatayo sa taas ko si Toby at galit na humarap kay Travis habang pinapakita pa ang kumpletong matatalim nitong mga ngipin. Wala naman pakialam si Travis sa kanya at tila binalewala lamang ang kanyang presensya sa taas ko.

Pagkalapit ay saglit na ibinaba nito sa tabi ko ang kanyang dalang tray ng pagkain. Akala ko ay sa gilid ko lang nito talaga ilalagay iyon kaya naman aabutin ko palang sana ang kutsara't tinidor nang bigla na lamang ni Travis binuhat palayo sa akin si Toby.


Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang bigla na lamang niyang binato si Toby na parang isang duming dumapo lang sa katawan ko at itinapon sa isang sulok. Nalaglag ang panga ko sa nasaksihan.

"Travis! Si Toby! Hayop ka talaga!" galit na galit kong asik sa kanya habang nakatingin sa kawawang aso. Tila nagbingi-bingihan naman ito sa akin at pinalit na sa pwesto ni Toby ang tray kong katabi sa gilid.

"Malamang, hayop talaga si Toby," bagot nitong pagsagot at sumiksik na sa tabi ko. "Eat well."

Napailing na lamang ako dahil sa kanyang kahayupan at sinamaan ito ng tingin. Pinanood ko munang umakyat pabalik ng kama si Toby at tumabi sa kaliwang pwesto ko kungsaan wala si Travis.

"Dapat pala ako nalang nag-alaga sayo. Baka gan'yan ka niya pinalaki noong iniwan kita kay Travis," malungkot kong sambit at muling hinimas ang malaking ulo ni Toby. Idinantay na lamang nito sa aking braso ang kanyang ulo at pinagmasdan akong magsimulang kumain.

"What?! I raised that dog very well. Look at him, Avery. Ang lusog-lusog niya but you're saying that I didn't raise him properly? C'mon, baby. Never ko naman yan ginano'n dati. Ngayon lang because he went too overboard. Hinihigaan ka na niya. He was just getting taught a lesson by his master," mahabang litanya nito. Napairap naman ako sa paliwanag niya.

"Isip-bata mo talaga ano? Ang dami mong alam. Atsaka 'wag mo nga akong matawag-tawag na baby. Sapakin kita jan eh," naiinis kong anas sa kanya ngunit imbis na matakot ito ay mas lumaki lamang ang ngisi sa kanyang mga mukha.

How To Tame A DemonOnde histórias criam vida. Descubra agora