Chapter 65 (PT. 3)

2.6K 168 22
                                    

DATE

. . .

Avery's POV


"460 pesos po, mamsir," tukoy ng cashier sa presyo ng binili naming ticket para sa aming papanooring pelikula.

Hinugot ni Travis ang kanyang pitaka upang kumuha ng pambayad sa cashier. Habang nagbabayad ng pera ay namili naman ako ng aming mauupuan sa loob ng cinema. Hindi naman ako nahirapang mamili dahil kakaunti palang naman ang mga taong manonood kasama namin sa loob. Pinili ko ang pinaka-gitnang seat.

Matapos magbayad sa cashier ay inabot nito sa amin ang mga ticket. Ako na ang nag-abot nung papel at tinago iyon sa loob ng aking bulsa pero bago ko iyon tuluyang tinabi ay binasa ko muna ang pamagat ng pinili nitong palabas.

Spider-Man: Home Quarantine.

Dahil maaga-aga pa bago magshow ang pelikula ay napagpasyahan muna naming dalawa na mag ikot-ikot ulit sa loob ng mall.

Sinabi ko kay Travis kung pwede bang pumunta muna kami sa NBS upang magtingin-tingin ng mga panibagong libro. Hindi naman ito tumutol at pumunta nga kami roon.

Bumaba kami gamit ang escalator at pagkatapos ay tinungo ang daan papuntang national book store. Habang naglalakad sa gitna ng daanan ay hindi ko maiwasang mahiya pero at the same time, may kung anong nagwawala ngayon sa loob ng aking sikmura dahil sa paraan ng aming paglalakad ni Travis.

Simula pa lamang kasi noong pag-alis namin sa loob ng Jollibee ay hindi na nito binitawan pa ang aking kaliwang kamay at sa buong durasyon, nanatili lamang itong nakasalikop sa kanyang mainit at magaspang na palad.

May ilang nakakapansin sa aming ginagawa kaya naman yumuyuko na lamang ako at mariing pinagmamasdan ang aming magkahawak na mga kamay upang kumalma.

Dahil sa aking inasal ay mukhang napansin naman iyon ni Travis kaya nagulat na lamang ako nang bigla nitong tinanggal ang pagkakahawak sa aking kamay.

Parang binuhusan naman ako ng isang malamig na tubig marahil sa kanyang ginawa. Kinakabahan akong tumingala upang tingnan kung nagagalit ba ito ngayon sa 'kin subalit napakurap na lamang ako nang mapagtanto ang mga sumunod nitong gagawin.

Inakbay ni Travis ang kanyang mabigat na braso sa aking mga balikat at hinuli ang nanlalamig kong kanang palad bago ito pinagsalikop sa kanyang nakaakbay na kamay.

Napasinghap ako sa ginawa niya.

Gamit ang libre nitong kaliwang kamay ay hinawakan nito ang aking baba upang ibaling ang aking tingin sa kanyang mukha.

Ngumiti siya.

"Don't mind the people around us. This is our day... and it's just us," malumanay nitong tugon at pagkatapos ay humalik sa aking noo.

Hindi ko alam kung paano o bakit pero tila nawala ang lahat ng aking pag-aalala at ang tanging umiiral lamang sa aking isipan ay ang kanyang ginawa at ang init na aking nararamdaman ngayon mula sa dibdib.


Ano itong... nararamdaman ko?

Sa sobra kong pagkalutang ay hindi ko na namalayang nasa loob na pala kami ng book store. Napakurap naman ako ng maraming beses bago tuluyang bumalik ang sarili sa tamang huwisyo.

"So, what do you wanna see here?" tanong nito sa akin.

Nang mapagtanto ko namang kanina pa pala ako nakatitig sa kanya ay dagli akong pinamulahan ng mukha at nahihiyang umiwas ng tingin.

"L-libro syempre..." nauutal kong pagsagot dito. Dinala ko ang aming mga katawan sa section ng mga libro at palihim na pinakalma ang aking sarili.


How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now