Chapter 31

4.3K 287 12
                                    

SOUP

. . .

Avery's POV


"OUCH! Be careful!"

"Anong careful-careful ka jan?! Nababagay lang 'to sayo dahil nagpapadalos-dalos ka palagi!" galit kong sermon sa kanya at muli na namang pinisil sa kanyang sugat ang hawak kong bulak na may patak ng alcohol. Muli na naman itong napadaing pero wala akong pakialam.

Kasalanan naman niya kung bakit siya nagkasugat! Kung nasa matino lang sana siyang pag-iisip, edi sana wala siya ngayong kasugat-sugat.

"Hah! Buti nga sa kanya," rinig ko namang bulong ng nasa kabilang banda ng pwesto ko. Walang ano-anong binatukan ko naman ng malakas si kuya dahilan kung bakit napahawak ito sa kanyang ulo.

"Aray! Bunso naman!" naiinis niyang angal habang hinihimas ang ulo nitong kinaltukan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong buti nga sa kanya? Baka gusto mong ako rin ang gumamot niyang mga galos mo?" mataray kong pagbabanta kay kuya kaya mabilis naman itong umiling.

"Hindi, kaya ko naman," sagot nito sa alok ko at lumayo pa ng ilang metro sa akin. Napairap na lamang ako sa kanya.


Ewan ko sa kanilang dalawa. Parang mga isip-bata.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming nakatambay dito sa isang convenience store pero sigurado akong gabi na dahil wala nang sumisilay pang araw at isang buwan na ang nakalitaw sa taas ng langit. Dapat ay kanina pa talaga kami nakauwi pero dahil nga sa dalawang basagulerong ito ay hindi na tuloy kami nakauwi ng bahay.

Paano ba naman kasi, pagkatapos nilang mag-usap ng masinsinan, bigla pang gumanti si kuya ng suntok kay Travis dahil daw sinapak nalang niya siya ng bigla-biglaan. Syempre, eto namang si Travis ay hindi natinag sa ginawa ni kuya at binigyan din siya ng isa pang suntok dahil masyadong malakas daw yung binigay niya.

Kaya ang nangyari, muli na namang nagpatuloy ang kanilang pagsusuntukan sa gitna.

Napapa-isip na nga ako kanina kung iiwan ko nalang ba silang dalawa dahil masyado silang nakakapagod pakisamahan at pagod na rin ang buong katawan ko pero pasalamat nalang sila at hindi ko alam kung nasaan kaming lugar kaya hindi ako makakapag-commute ng mag-isa.

Kung alam ko lang talaga ay iiwanan ko nalang silang magbugugan doon hanggang sa lumipas ang buong gabi.

Tumigil muna ako sa pagmumuni-muni at sandaling nilingon si Travis na ngayon ay takot na takot idikit ang hawak niyang bulak sa kanyang sugat at gasgas. May sugat kasi siya sa kanyang bandang kilay dahil nga sa lakas ng suntok na ibinigay ni kuya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at muling inagaw sa kanya ang hawak nitong bulak at tahimik na nilinisan ang kanyang mga dugo sa sugat.

Natakot pa ito noong una at nagdalawang-isip kung ilalapit pa ba sa akin ang ulo o hindi pero wala na siyang nagawa nang hilain ko ang ulo niya at inilapit mismo sa akin. Napapadaing pa siya noong una sa ginagawa ko pero kalaunan ay tumahimik na ito at pinabayaan na lamang akong gawin ang aking ginagawa habang nakatitig sa akin ng mariin.

Hindi ko man gusto ang paraan ng pagtitig na binibigay niya sa akin pero hinayaan ko na lamang at kaysa hindi pa kami matapos kung pakikiramdaman lang nito ang kanyang mga sugat sa mukha.

"Tapos na," anunsyo ko matapos takpan ng maayos ang kanyang sugat sa kilay gamit ang isang band-aid. Nabalik naman siya sa kaniyang ulirat nang marinig akong magsalita at napahawak sa kanyang sugat. Napangiti siya.

"It doesn't hurt anymore," mahinang tugon niya. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Malamang, kaya ko nga ginamot diba?"

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now