Chapter 02

12.1K 554 39
                                    

RETURNED

. . .

Avery's POV


Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata mula sa mahimbing na pagkatulog.

Kisame.

Ang kisame ng aking kwarto ang unang bumungad sa paningin ko. Dahan-dahan kong binaling ang aking ulo patagilid upang masigurado kung nasa kwarto ko nga ba talaga ako at makalipas ang ilang segundong pagmamatyag ay napag-alamang nasa kwarto ko nga ako.

Tumingin ako sa orasang nakadikit sa aking pader at nakitang 5:30 pa lamang ng umaga. Muli akong nagtaklob ng kumot at pumikit.


Panaginip? Panaginip lang ba ang lahat?

Matapos ang malalim na pag-iisip ay napagpasyahan kong tumayo na upang makapaligo ng maaga.

Kumuha ako ng tuwalya bago tumungo sa banyo. Bago magsimulang maligo ay nagtoothbrush muna ako at humarap sa salamin ng aking banyo.

Habang nagsisipilyo ay napadako ang aking tingin sa bandang leeg ko. Bahagya naman akong napatigil sa ginagawa at marahang hinaplos ang parte ng aking leeg na ngayon ay may kapansin-pansing kakaibang kulay.


Wait... was it...?

Muling bumalik sa aking isip ang lahat ng mga pangyayaring naganap sa aking panagi—kagabi.


So... totoo pala ang lahat.

Unti-unting bumagsak ang aking mga balikat at pinagpatuloy na lamang ang pagt-toothbrush.

Akala ko pa naman, panaginip lang.

Pero... paano nga ba ako nakauwi? Bakit parang wala naman yata akong maalalang nangyari na nakauwi ako?

Nagmumog na ako pagkatapos magsipilyo. Pagtapos ay nagsimula na akong maghubad ng aking mga saplot sa katawan at lumapit na sa shower upang ito'y buksan.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at naligo na kahit malamig pa ang tubig na lumalabas sa shower.

Habang nasa kalagitnaan ng pagliligo ay sinimulan ko nang kuskusin ang aking katawan. Nang dumapo ang sabon sa aking leeg ay talagang kinuskos ko ito ng mabuti upang mawala na. Subalit kahit anong kuskos ko pa ay hindi ito mawala-wala kaya naman tumigil na lamang ako at baka mas lumala pa ang itsura.

Nakakainis. Kasalanan ko ang lahat ng ito eh. Kung nagpasabay lang sana ako sa dean, edi sana hindi iyon mangyayari. Kung mabilis sana akong tumakbo, edi sana nakatakas pa ako. Kung hindi sana ako nadapa, edi sana wala akong sugat ngayon.

In short, kung hindi sana ako lalampa-lampa, edi maayos pa sana ang lagay ko.

Hindi naman sa sinasabi kong malubha ang lagay ko. Ang ibig ko lang namang iparating ay wala sanang mababaon na ala-alang gano'n sa talambuhay ko kung hindi lang sana ako mahina.

Nang matapos sa pagsasabon at pagshampoo ay nagbanlaw na ako ng katawan. Hindi na ako nagmadali pa dahil masyadong maaga pa naman at mamayang alas-otso pa ng umaga ang pasukan ko.

Nagbihis na ako ng uniform at nilagyan muna ng band aid ang aking sugat sa tuhod bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ay sinilip ko muna ang kwarto ni mama upang alamin kung tulog pa ba ito pero nang sumilip ako ay wala na ito sa kanyang kama. Tiningnan ko naman ang kanyang banyo at nang makarinig ng ilang mga wisik ng tubig ay nagpasya na akong bumaba.

Gising na rin pala siya. Napaka-aga naman.

As soon as I walked down on the stairs, I immediately smelled the food coming out from our kitchen. I hurriedly walk straight to it to see what kind of food did mother cooked but as soon as I got there, I was stunned.


How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now