Chapter 49

3.5K 234 20
                                    

SICK

. . .

Avery's POV


Nang makarating sa bahay ay hindi na kami nag-imikan pa at tahimik lamang na lumabas ng kanyang kotse. Ako ang naunang lumabas dahil sinara pa nito ang makina ng sasakyan. Ako na rin ang naunang pumasok sa loob ng bahay at hindi na ito hinintay pang matapos sa pagsara ng kanyang sasakyan.

Hindi naman sa walang galang akong tao pero sa oras kasi ngayon ay ayoko muna siyang makasabay sa paglalakad. Nararamdaman ko namang nakasunod lang siya sa likuran ko kaya mas mabuting hanggang doon lang muna siya.

Pagpasok ng bahay ay unang nadatnan ko sa sala si mamang nagwawalis ng lapag. Hindi ko alam kung maw-weird-uhan na ba ako kay mama dahil wala na nga siyang malinis-linis kahit isang katiting na alikabok sa lapag ng bahay namin pero wala siyang pakialam at patuloy pa rin sa pagwawalis ng baba namin.

Nang makita niya kami ay lumapit naman ako rito at yumakap.

"Hi, mama." garagal kong bati sa kanya. Akmang babati pa lamang sana si mama pabalik sa 'kin nang mapansin nito ang paglamlam ng lalamunan ko.

"Anak...? May saki--" hindi ko na pinatapos pa si mama at dire-diretsong tumungo ng kusina. Hindi dahil may galit ako kay mama, kundi dahil papalapit na sa aming pwesto si Travis.


At ayokong malaman nitong may lagnat ako.

Mula sa kalayuan ay narinig ko naman ang pagbati ni Travis kay mama at ang pagkamusta nito sa kanya. Natawa naman si mama dahil sa pagtanong nito at magiliw itong sinagot.

"Aba'y syempre naman! Para namang hindi tayo nagkikita araw-araw, HAHAHA! Teka, kumain na ba kayong dalawa? At ikaw naman Avery, bakit ang init ng--"

"Ma!" mabilis kong tawag sa kanya. Gaya naman ng aking inaasahan ay napatigil nga ito dahil sa biglaan kong pagsabat at tinaasan ako ng kilay.

"Ano yun, anak?" tanong nito sa akin. Saglit naman akong natigilan.

"T-tawagin niyo nalang po ako 'pag kakain na ng gabihan." Hindi ko na hinintay pa ang sumunod na sasabihin ni mama at naglakad na paakyat sa aming ikalawang-palapag.

Matamlay akong pumasok sa aking kwarto at ni-lock ang pinto ng marahan. Sumampa ako sa aking kama at pagod na bumuntong-hininga sa mga nangyayari.


Bakit ba ayaw kong sabihin sa kanya na may lagnat ako? Hindi naman magtatagal dahil malalaman at malalaman din niya 'tong lagnat ko sa katawan. Wala ring saysay itong paglilihim ko ng nararamdaman.

Kung bakit kasi nagkaroon pa ako nito kung kailan hindi kami ngayon magka-intindihan.

Umayos na lamang ako ng pagkakahiga sa kama at pinikit ang mga mata bago sinubukang makatulog.

Sana matapos na ang araw na 'to.


***


"Avery..." dinig kong tawag sa 'kin ng isang tao mula sa labas ng kwarto ko.

Naalimpungatan naman ako dahil sa kasabay nitong sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Nang mahimasmasan ang aking sarili ay sinubukan kong umupo sa kama subalit isang taas pa lamang ng ulo ko ay mabilis din akong napabalik sa pagkakahiga dahil sa biglaang pagkirot ng aking ulo.

Napahawak ako rito ng sobrang higpit at nanghihinang pinakalma ang sarili. Bagama't sinusubukan ko mang pakalmahin ang aking sarili ay hindi ko iyon magawa dahil sa patuloy na pagkatok nung tao sa labas ng aking kwarto. Napaungol ako.

Tigil!

Napabuntong-hininga na lamang ako at namamasa ang mga matang hinintay na matapos sa pagkatok ang taong nasa tapat ng aking pintuan.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now