Chapter 48

3.4K 241 42
                                    

MAD

. . .

Avery's POV


Mabilis na dumaloy ang mga oras pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilipas ang aking karamdaman.

Kakatapos lamang lahat ng mga klase ngunit hindi pa rin matapos-tapos itong hilo ko sa ulo. Napatampal na lamang ako sa aking noo at napayuko.


Kainis namang lagnat 'to. Bakit ngayon pa nangyari?

Bahagyang napalingon naman ako nang makaramdam ng dalawang palad na kumapit sa aking magkabilang balikat mula sa likuran.

"Do you know what you look like right now? You look like you're about to faint," walang halong biro na sambit ni Andrei. Muli akong napayuko.

"Sumabay ka na sa 'kin," narinig ko pang dagdag nito na aking ikinahinto sa paglalakad.


Sa totoo lang ay hindi ko kasi alam kung sasabay ba talaga ako sa kanya. Ayaw ko mang aminin pero ayaw ko talagang sumabay sa kanya. Hindi dahil ayaw ko kay Andrei, kundi dahil sa motor nitong sinasakyan at takot talaga akong sumakay sa mga ganoong klase ng sasakyan.

Subalit marahil sa matinding pagkahilo ko ay may parte rin sa aking gusto nalang sumabay sa kanya. Parang feeling ko kasi ay anytime, mahuhulog na ako bigla sa lapag.

Imbis na sumagot sa kanyang tugon ay nanatiling tahimik na lamang ako at hinayaan siyang gabayan ako sa paglalakad. Halos pikit-mata na nga akong palakad-lakad sa gitna ng daanan. Mabuti nalang at sinusuportahan ako ni Andrei mula sa likod. Sandali akong napangiti sa naisip.

Naalala ko tuloy dati ay parang ginagawa lang namin ito ni Tra...


Tsk! Bakit ba bigla-bigla nalang pumapasok yun sa isipan ko?

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at mabilis na iniba ang paksa sa aking imahinasyon. Sapagkat kahit ilang beses ko pang piliting alisin sa isipan ko ang lalaking 'yon ay paulit-ulit pa ring bumabalik ang kanyang imahe sa utak ko. Napasinghal tuloy ako.

Nasaan na nga ba yung gunggong na 'yon? Parang hindi ko na nakita pa simula kanina. Ang huling pagkakakita ko sa kanya ay noong magpasama pa si Emma sa kanyang magtungo ng cr habang nasa kalagitnaan kami ng diskusyon. Pagkatapos noo'y hindi ko na siya⏤sila nakita pang bumalik. Bigla na namang nag-init ang ulo ko.

Ayoko mang isipin ngunit samu't saring mga pangyayari ang talaga ang umiiral sa isipan ko habang iniisip kung nasaan ba silang dalawa. Napakuyom ako ng kamao.


Ano ba itong iniisip ko? Nasisiraan na yata ako ng pag-iisip.

Muli kong ipinilig ang aking ulo at mariing pumikit.

Hanggang dito nalang iyon. Kailangan ko nang tumigil sa kaka-isip ng kung ano-ano dahil masyado na akong sumosobra sa pag-iimahe ng mga masasamang bagay sa bagong kaklase namin. Hindi ko naman siya lubos na kilala kaya hindi ko dapat ito binibigyan ng masasamang senyales.

Hinayaan ko na lamang na tulakin ako ni Andrei hanggang makarating kami sa parking lot ng campus. Habang naglalakad sa gitna ng daanan ay madali kong namataan agad ang pinagpupwestuhan ng kanyang magarang motorsiklo.

Akmang makakalapit pa lamang sana kaming dalawa sa pinagparadahan nito nang bigla na lamang hinablot ng isang mainit na palad ang aking braso na siyang ikinagulat ko.

Hinigit ng kamay nito ang aking buong katawan at dahil konti na lamang ang enerhiyang natitira sa akin ay dumiretso akong napasubsob sa matigas na dibdib ng kanyang katawan.

"Avery!"

Saglit akong natigilan sa mga nangyari at nang rumehistro ang lahat sa aking utak ay dahan-dahan akong napatingala upang matingnan kung sino ang humigit sa akin.


How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now