Chapter 60

3.3K 233 32
                                    

REQUEST

. . .

Avery's POV


Tila isang kisap-matang lumipas ang mga oras ngayong araw. Kasalukuyan naming lunch break ngayon sa klase kaya naman heto ako ngayon at nakapila sa gitna ng cafeteria upang bumili ng aming makakain.

Hindi ko ngayon kasama sila April dahil sila ang nakabantay ngayon sa mga upuan namin. Ayoko naman kasing palagi nalang ako ang nag-uutos sa kanilang um-order dahil parang ang pangit namang tingnan kung gano'n ang asal ko sa kanila kaya ako na ang nagpresintang tumayo sa pila habang sila Andrei naman ang naghihintay ngayon sa aming lamesa.

Noong una ay nag-insist si Andrei na samahan ako at tulungan sa pagbubuhat pero mabilis akong umangal at sinabing kaya ko namang dalhin ang lahat ng mga oorder-in namin.

Hindi pa nga sana ito sasang-ayon sa akin kung hindi lang biglang sumulpot sa aming tabi si Travis at sinabihan si Andrei na siya na ang bahalang tumulong sa akin sa pagbubuhat.

Noong una ay nag-aalinlangan din akong sumabay sa kanya pero hinayaan ko na lamang itong sumama dahil kung pipigilan ko lang siya ay baka si Andrei naman ang pumalit at ayaw ko namang mangyari 'yon.

It's not that I don't want to be with Andrei. It's just that I'm doing this small thing to at least, repay him for all the things he has done to me. Eto na nga lang na pagbili ng mga pagkain namin ang magagawa ko para sa kanya, tapos magbibigay-tulong pa ito sa 'kin.


"Your turn's next, baby." Bigla na lamang may nagsalita sa aking gilid na siyang ikinadahilan ng paghinto ko sa pagmumuni-muni. Napairap na lamang ako at bagot na umabante sa pila.

Unfortunately, may isang pangit na resulta nga lang sa pinili kong desisyon.


At itong katabi ko iyon.

"Hey... are you mad at me? Why aren't you talki--"

"Dalawang kreng kreng, isang boom tarat-tarat, atsaka tatlong chuchu eklavu nga po, ate." Pagsabat ko sa pananalita ni Travis habang nakangiti ng payak kay ateng nagbabantay ng mga pagkain. Mabilis naman itong tumalima sa aking mga idinikta at tahimik na ipinaghain ang aking mga sinabing putahe.

"Hey... Avery," dinig kong pagtawag sa akin ni Travis pero hindi ko siya binigyang-pansin at diretsong nakatingin lamang sa ginagawa ni ate.

"Look, I'm sorry from what I did earlier. I was just trying to tease you and I didn't mea--" muli na namang naputol ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang magsalita si ateng tindera.

"Eto na po ma'am," nakangiti nitong ani sa 'kin habang inilalapag ang dalawang tray ng pagkain sa aming harapan. Napangiti naman ako dahil sa inakto ni ate at hindi na pinansin pa ang kanyang pagtawag sa akin.


Mukhang naramdaman niya yata ang hanging pumapalibot sa aming dalawa kaya naman naisipan nitong patigilin sa pagsasalita itong kasama ko.

"Salamat po," tipid kong sagot dito at binuhat na ang isang tray ng pagkain. Wala namang nagawa si Travis kundi buhatin yung isa pang tray na kailangan kong dalhin at sumunod sa likuran ko.

"C'mon, Avery. You know that my birthday's about to come, right? Please just forgive me from what I did earlier. I'm really sorry about it. I don't want us to have an argument at least, until my birthday comes... can we make it happen?" pakiusap nito sa akin. Napahinto naman ako sa paglalakad marahil sa kanyang sinabi na siyang ikinahinto rin naman niya.

Nilingon ko siya.

"Then can you lessen the teasing part on me? Can you do that? Hmm?" taas-kilay kong tanong. Hindi naman ito nakasagot kaagad sa aking pakiusap pero nang tuluyan na nitong maintindihan ang ibig-sabihin ng aking tanong ay dali-dali siyang napatango.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now