Chapter 63

3.3K 204 15
                                    

DATE

. . .

Avery's POV


"Shall we?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa aking likuran at sandaling pinagmasdan muna ang ayos nito.

Ibang-iba ang damit nito ngayon kumpara sa kanyang mga kasuotan kanina. Ang kaninang uniporme nitong suot ay napalitan na ngayon ng isang magarang kamiseta.

Hindi ko maaninag ng maayos ang kanyang suot sa pang-ibaba dahil natatakpan ito ng pintuan ng kanyang kotse pero kaya ko namang ilarawan ang kanyang itsura ngayon base sa aking nakikita.

Suot-suot nito ang dark blue fitted sweater nito na tinernuhan ng isang gray blazer. Maayos ang pagkaka-estilo ng kanyang buhok na kanina lamang ay magulo pa dahil sa paglalaro ng basketball at suot din nito sa kanyang kaliwang kamay ang kanyang mamahaling relo.

Hindi ko man nakikita ng maayos ang kanyang pananamit sa katawan pero kahit doon pa lamang sa kanyang pang-itaas na itsura ay masasabi ko nang napakagwapo nito sa aking paningin.


Ano bang ginawa ko para maka bingwit ng isang lalaking mala-adonis ang ka-gwapuhan?

"Get in. Just continue staring at me inside the car," dinig kong sambit nito habang nakatingin sa kanyang harapan at tila may kinakalikot na kung ano.

Mabilis naman akong napakurap sa simabi niya at mabilis na ipinilig ang ulo upang mabalik sa tamang huwisyo. Nahihiyang binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan ng passenger's seat at umupo.

Joke lang. Pogi nga, mahangin naman.

Hindi na lamang ako sumagot pa sa sinabi niya at tumingin na lamang sa bintana. Kahit naman i-deny ko pa, totoo naman kasi. Sadyang malakas nga lang talaga ang ihip nito sa utak kaya nasobrahan sa kahanginan.


Hindi ko alam kung bakit nakapasok na ako sa loob ng kanyang kotse pero hindi pa rin ito nagsisimulang paandarin ang sasakyan. Sinubukan ko naman bumaling sa kanya subalit bago ko pa man magawa iyon ay napasinghap na lamang ako nang maramdaman ang isang palad nitong kumapit sa aking bewang.

Pagtingin ko sa kanya ay halos mangamatis ang mga pisngi ko nang mapagtantong sobrang lapit na pala ng kanyang mukha sa aking mukha.

Hindi agad ako nakakilos sa aking pwesto at sandaling nakipagtitigan sa kanyang malalim na mga mata. Napakurap naman ako ng ilang beses nang bigla itong lumayo sa akin na tila kakatapos lamang sa pinaggagawa.

Napayuko ako sa baba matapos makaramdam ng paninikip sa aking bibib. Muling namula ako.

Seat belt.

"K-kaya ko naman... dapat sinabi mo nalang," mahinang bulong ko habang nahihiyang nakatungay sa bintana.

"I wanted to," tipid nitong tugon sa 'kin.

Pinaandar na nito ang makina ng sasakyan at dahan-dahang pumaharurot na sa gitna ng kalsada. Hindi na kami muli pang nakapag-usap matapos no'n at tahimik lamang na bumiyahe papunta sa kungsaan man nito ako balak na dalhin.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga kaganapang nangyari kanina.

Nang sumapit kasi ang lunch break namin kanina ay sinabi sa 'kin ni April na makakasama pala namin sa outing si Emma. Nagulat pa nga ako at tinanong ito kung paano iyon nangyari pero ang sabi lang niya, sinama—or more like, nasama siya ni Andrei. Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis dahil sa nalaman.

Ano yun, nilandi na naman niya si Andrei? At eto namang si Andrei, nagpatukso ro'n? Parang nawalan tuloy ako ng ganang sumama nalang sa outing naming pupuntahan.


How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon