Chapter 62

4K 225 27
                                    

Author's Note:

The following continuation of this chapter will be marked as a restricted scene because of its mature content. If you are still 17 and below, please DO NOT read this chapter because it is not suitable for very young audiences. Skip nalang ulit kayo sa part na 'yon (para sa mga bata). I'm telling you, it's your choice kung babasahin mo pa ba o hindi. Wala na ako roon. I'm warning you na habang maaga pa. Enjoy reading!

. . .

PUNISHMENT

. . .

Avery's POV


Matapos ang mabigat na eksenang naganap kanina sa loob ng convenience store ay hinila ako ni Travis palapit sa kanyang kotse. Malakas man ang buhos ng malamig na ulan ay hindi niya ito inalintana dahil pauwi na rin naman ang punta naming dalawa.

Ilang beses kong sinubukang kumawala sa kanyang mga gamay subalit sobrang higpit talaga ng kanyang pagkakahawak kaya naman wala akong nagawa kundi ang muling magpatianod sa kanya.

Paglapit sa kotse ay mabilis nitong binuksan ang pinto at inalalayan akong makapasok ng maayos. Pumwesto naman kaagad ako ng upo bago nito tuluyang sinara ang pinto ng kotse at tumakbo patungo sa kabilang parte ng sasakyan.

Pagpasok ay walang-pasabing pinaharurot na nito ang makina ng kanyang sasakyan.

"..."

Marahil sa sobrang katahimikan ng kanyang buong kotse ay napalunok na lamang ako ng laway at pinigilang huwag iparamdam sa kasama ko ang namumuong tensyon at kaba sa aking kalooban.

"U-uhm--"

"Sh*t," pagputol nito sa aking sasabihin.

"H-ha?" napalingon naman ako sa kanya at nakita ang magkasalubong nitong mga kilay ngayon.

"I forgot to tell him that your mother told me to fetch you so that she could punish us already from of what she saw this morning," mahinang bulong nito sa sarili ngunit hindi naman ito nakaligtas sa pandinig ko.

"D*mn. I should've told him that we kissed," dagdag pa nito kasabay ng mahina niyang pagpalo sa manibela dahil sa nararamdamang inis. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"A-ano? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Bakit mo naman sasabihin kay Andrei yun?! M-manyak ka talaga!" nauutal kong suway sa kanya.

"Isn't it obvious? Para lumayo na yun sayo ng tuluyan. And why the hell are you still going out with that idiot anyway? Hindi ba't ilang beses na kitang pinagsasabihang layuan iyong g*gong 'yon?" saglit itong tumingin sa 'kin at binigyan ako ng isang masamang tingin. Hindi naman ako nagpatalo sa kanya at sinuklian din ito ng isang masamang tingin.

"Bakit mo ba ako pinapakialaman sa mga gusto kong makasama? Atsaka para namang hindi mo kami nakikitang magkasama sa loob ng campus! Parang kanina lang, nakikita mo namang magkasama kami sa loob ah? Pero hindi mo naman siya pinapalayo. Hindi na talaga kita maintindihang lalaki ka," inis kong litanya habang iniilingan pa siya ng ulo.

Nakakabanas na kasi. Ano ba talagang problema niya kay Andrei? Bakit ba kasi hindi nalang mapawi iyong galit niya? If he hates him just because he is jealous of that person, then he's becoming unreasonable.

Ano bang akala nito sa nararamdaman ko para sa kanya? Infatuation? Na dahil lang sa mga simpleng pagsama sa 'kin ni Andrei, mawawala nalang bigla sa isang iglap?

Napahimas na lamang ako sa aking sentido at pagod na pumikit.


Why am I even explaining to him? I shouldn't have done that.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now