Special Chapter 02

1.7K 97 24
                                    

CHRISTMAS GIFT

. . .

[ FIVE HOURS BEFORE CHRISTMAS ]

~ ~ ~

Avery's POV


"Did you find one?" tanong sa akin ni Kuya Kurt. Umiling naman ako.

"Wala pa rin eh," malungkot kong tugon. Napabuntong-hininga ito.

"Bakit kasi ngayon ka lang naghahanap ng ireregalo para jan sa kaibigan mo?" nababagot nitong tanong. Napakagat-labi ako.

Boyfriend kuya, boyfriend.

"Hindi kaya, kuya. Matagal na akong naghahanap ng christmas gift para kay Travis kaso wala talaga akong maisip na pwedeng ibigay sa kanya." Totoo naman kasi. Noong last month pa ako huling nag-iisip ng maaari kong ibigay kay Travis pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na pwedeng iregalo para sa kanya. Ang hirap naman kasing mag-isip lalo na't hindi naman kailangan ni Travis ng kahit ano dahil halos kaya na nitong bilhin ang lahat ng bagay. Bilhan ko nalang kaya siya ng libro pang-aral?

"Sus, kahit naman hindi mo na bigyan pa ng kahit ano iyong b*gok na 'yon, basta makasama ka lang, ayos na sa kanya," sabi ni kuya. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Kahit na, gusto ko pa rin siyang regaluhan. Ngayon na nga lang ulit kami magdiriwang ng magkasama after five years, tapos hanggang ngayon, wala pa rin akong mabibigay sa kanya?" pagdadahilan ko.

At isa pa, eto rin ang una naming pasko bilang magkasintahan. I want to make it all memorable to him at least.

"E ano naman kung gano'n? Edi bilhan mo ng maskara para matakpan na panget niyang mukha."

"Edi wow kuya. Kasalanan mo rin 'to dahil ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpakalayo-layo sa 'kin. Anong akala mo, limot ko na ang lahat?" mataray kong sambit sa kanya habang nakataas pa ang kilay. Mukhang hindi naman nito napaghandaan ang aking sinabi kaya napaubo siya ng peke.

"I-ibang usapan na yun. Atsaka akala ko ba, napatawad mo na ako bunso?"

"Che! Napatawad nga kita, pero hindi naman ibig-sabihin no'n ay okay na tayong dalawa 'no!" asik ko sa kanya at muli nang nagpatuloy sa paglalakad.

Kasalukuyan kasi kaming nasa loob ngayon ng isang shopping mall at naghahanap ng maaaring ipangregalo para kay Travis. Naisipan ko sanang isama si kuya para naman may katulong ako sa paghahanap subalit parang wala lang din yatang saysay dahil wala naman itong ginawa bukod sa magreklamo at kulitin akong umuwi na. Kahapon lang siya actually naka-uwi galing America pero kahit na may jetlag ito ay nagawa pa rin nitong sumama sa akin ngayon kaya naman hindi ko nalang sinasaway. Kawawa naman kasi kung aawayin ko pa 'to ngayon. Christmas pa naman na.

Habang naglilibot sa mall ay palihim kong sinulyapan sa aking likuran si Kuya Kurt. Kahit na wala ito ngayon sa mood ay tahimik lamang itong sumusunod sa akin habang tumitingin sa tabi-tabi. Napabuntong-hininga ako.


Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin alam ni kuyang kami na ni Travis.

Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanya, it's just that hindi ko lang alam kung kailan ang tamang oras para sabihin kay kuya. Alam ko naman kasing may galit pa rin ito kay Travis for some reason at ayoko namang mabigla nalang siya sa relationship naming dalawa.

But I'm still planning to tell him naman dahil mas mabuti siguro kung sabihin nalang namin ngayon habang nandito pa siya. Since may one-year pa kasing natitira sa kanyang contract ay muling bumalik lamang ito ngayong Christmas para makapag-celebrate kasama kaming buong pamilya at pagtapos ay lilipad na ulit ito sa ibang bansa. Mabuti nga't pinayagan ito ng boss nila.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now