Chapter 46

3.6K 236 28
                                    

DECISION

. . .

Avery's POV


Pagdating sa university ay pinarking na ni Travis sa isang tabi ang kanyang kotse. Bumaba naman agad ako pagtapos nitong patayin ang makina at nagmamadaling pumasok sa loob ng gate.

"Thank you," mahinang tugon ko bago tuluyang umalis sa kanyang tabi. Gustuhin ko mang huwag nalang itong pansinin at kausapin ay ayoko namang magmukha akong disrespectful sa tao kaya naman nagpasalamat nalang ako kahit na labag sa aking kalooban.

Dumiretso ako sa aming school building at maya-maya'y pumasok sa loob ng classroom namin. Dahil maaga pa naman at mamaya pa ang first subject namin ay hindi ko na kinailangan pang magpaliwanag sa klase at tumungo na lamang sa aking upuan bago humalukipkip.

Pag-upo ay doon ko lamang pinakalma ang aking sarili dahil pakiramdam ko anumang oras ay baka sumabog na itong ulo ko sa inis na kinikimkim.

Nakakasama lang kasi ng loob ang mga nangyayari. Parang lahat nalang yata ng ginagawa ko ay hindi sinasang-ayunan ni kapalaran. Wala na ba talagang kahit isang beses lang na sumunod sa kagustuhan ko ang tadhana? Isang beses lang naman ang hinihingi ko eh. Isang beses lang.

Hindi ko alam kung bakit pero batid ko'y marahil iyon sa labis kong galit kaya ako sandaling nahilo sa aking kinauupuan. Napakurap naman ako ng ilang beses at mariing pumikit upang pakalmahin muli ang aking sarili. Ramdam ko rin ang bahagyang pagtulo ng aking pawis sa noo kaya naman pinunasan ko iyon.

Pawis? Pero malakas naman ang ac dito.

Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon at sinubukang patulugin ang sarili. Pero saktong kakaisip ko pa lamang no'n nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Panandaliang natigilan naman ako bago naisipang kapain ito mula sa aking bulsa.

Pagkakuha ay binuksan ko iyon at kunot-noong binasa ang teksto.


'From: 09999999990

Can you please come at the dean's office? The dean wants to talk to you.'


Mabilis ko naman iyong naintindihan at dagling nireplyan ang text message. Hindi ko alam kung kaninong phone number iyon pero sa tingin ko ay sa assistant ito ng dean dahil siya lang naman ang napag-uutusan nito.

Nag-reply akong hindi ako makakapunta sa office ng dean dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Well... totoo naman talaga. Hindi ko nga alam kung bakit pero basta parang bigla nalang akong naubusan ng enerhiya dahil sa nangyari kanina. Nakaka-stress naman kasi masyado yung demonyong yun.

Hindi ko na lamang nilibang pa ang aking saloobin at muling tinuloy ang pakay na umidlip saglit. Feeling ko kasi ay tinuturnilyo ng malakas ang utak ko kung ipagpapatuloy ko pa ang aking pagmumuni-muni.


***


"You okay?" dinig kong tanong sa akin ng katabi ko. Yinugyog ako nito ng marahan upang subukan akong gisingin kaya naman dahan-dahan akong nag-unat ng katawan.

"Hmmm..." mahinang ungol ko habang inuunat ang aking mga kamay. Hindi muna ako kumilos pagkatapos at sandaling pinakiramdaman ang sarili habang nakapikit.

Makalipas ang ilang segundong pakikiramdaman ay nakahinga ako ng maluwag nang mapansing medyo maayos na ang pakiramdam ko kaysa kanina.

Mabuti naman.

Lumingon ako sa taong gumising sa akin at napagtantong si Andrei pala ang yumugyog sa 'kin kanina. Ngumiti naman ako rito ng matamis at marahang kinusot ang aking mga mata.

"Good morning," mahinang wika ko dahil medyo napapahikab pa. Subalit imbis na isang 'good morning' din ang matanggap ko sa kanya ay ibang salita ang lumabas sa bibig nito.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now