Chapter 68

2.5K 176 13
                                    

BEHIND

. . .

Avery's POV


Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba ng sasakyan. Sumabay naman sa likuran ko si April at gaya ng aking ginawa ay inikot din nito ang kanyang paningin sa kapaligiran.

We're here. At the beach.

Bumba na sa loob ng sasakyan sila Travis at isinara na rin ang mga pinto. Nagtungo ang lahat sa likod upang kunin ang kanilang mga gamit habang ako naman ay nanatiling nakatayo lamang sa pwesto ko. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng kaunting hilo.

Saka lamang ako kumilos ulit nang makuha na nila ang kani-kanilang mga gamit at nagsimula nang maglakad patungong entrance nitong beach resort.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa aming kanan kungsaan makikita sa baba ang dahilan ng aming pinunta dito. Ang dalampasigan.

Maraming mga tao ang nagkakalat sa daan. May mga bata, matatanda, magulang, pati na rin ang ilang mga tourista. Sikat kasi ang lugar na ito kaya naman hindi na nakakapagtakang makita na puno ng tao ang labas at loob ng resort.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung paano ni Travis nagawan ng paraang makapag-register dito ng maaga at nabanggit pa niyang may sari-sarili kaming mga kwarto. Siguro ay dahil sa lawak ng kanyang mga koneksyon sa tao.

Pagkarating sa entrance ng beach ay isa-isa kaming humilera sa pila ng mga tao. Kung gaano kabilis ang aming biniyahe papunta rito ay siya namang gano'n katagal ang aming pinila para lamang makapasok sa loob ng dalampasigan.

Makalipas ang ilang minuto sa pila ay sa wakas at naging turn na rin namin. Tinanong kaagad nung babaeng nagbabantay si Travis kung ilan kaming magkakasama at kung walk-in lang ba or naka-scheduled kaming lahat.

Hindi naman sumagot si Travis sa kanya, bagkus ay pinakita lamang nito ang kanyang hawak at mabilis na kinuha naman ito ng babae.

Saglit niya iyong ini-scan sa isang machine na hindi ko naman maintindihan o maalala kung para saan pero nang matapos itong gawin 'yon ay pinaraan na kami agad sa loob ng babae. Napakurap naman ako ng mga mata.

Ayun na 'yon? Ang tagal naming pumila tapos ayun lang ang gagawin doon?

Gustuhin ko mang magreklamo ay ipinilig ko na lamang ang aking ulo at nagpatuloy na sa paglalakad.

Medyo nakakainis lang kasi. Akala ko ba naman ay parang may ich-check pa na kung ano or ewan. Hindi man lang kami sinabihan ni Travis na yun lang pala ang gagawin, edi sana siya nalang ang pumila at umupo nalang kami sa isang tabi. Nagpahaba lang kami sa pila.

Pero syempre ay hindi na ako umangal pa. Nandito ako para magsaya at hindi para magreklamo. Pasalamat nalang siya dahil libre niya at mamaya'y birthday na rin nito kaya naman hindi ko nalang bubungangaan.

Unang tapak ko pa lamang sa malambot na buhanginan ay mabilis na sinalubong kaagad ako ng isang malakas na hangin. Isinukbit ko ng maayos ang backpack na dala ko bago sumabay sa kanilang paglalakad.

Nasa unahan kasi si Travis para ituro ang daan sa aming pags-stay-an. Ang sumunod sa kanya ay si Emma, Andrei, April, and then ako. Binabalingan naman ako madalas ni April upang bantayan habang si Andrei ay paminsan-minsan akong tinatanong kung kaya ko pa ba.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon