Chapter 04

9.7K 531 85
                                    

CAR

. . .

Avery's POV


"Huy! natulala ka na jan," napaayos naman ako ng tayo matapos madinig si Andrei na magsalita sa harapan ko. Napakurap ako ng maraming beses bago tuluyang mabalik sa reyalidad.


Jeez, I'm lost again.

Mabilis akong umiling sa kanya at muling umupo na sa tabi ni April. Tumingin naman ito sa akin at nagpeace-sign dahil sa nangyari.

"Sorry hehe..." sabay labas pa nito ng awkward na ngiti.

Hindi ko na lamang ito pinansin pa at tumango. Akala niya siguro ay nagkakaganito ako ngayon dahil pa rin sa nangyari kanina. But it's not. Dahil ang lahat ng nararamdaman ko kanina ay tila kisap-matang nawala na lamang dahil sa aking nakita.


Dahil lang sa nakita ko siya.

Dahil sa pananakit ng dibdib ay pinili kong pumikit na lamang muna at saglit na pinakalma ang sarili. Bakit ko ba 'to nararamdaman? Akala ko wala na itong feelings ko? Tsk.

"O-okay lang," pagsagot ko kay April. Baka kasi isipin nitong nagtatanim ako ng galit sa kanya. Nagsimula na kaming kumain at pilit na inilihis na lamang ang usapan upang malimutan ang mga ganap kanina.

Mukhang maganda rin naman ang kinalabasan dahil medyo nawala ang sama ng loob kong nararamdaman. Pero nawalan nga lang ako ng ganang kumain.

Pagkatapos kumain ay gumala pa kami sa loob ng mall. Nag-arcade kami, bumili ng mga iba't ibang pagkain, at nagtingin-tingin na rin ng mga damit. Na-bored pa nga habang nasa kalagitnaan ng pagw-window shopping namin si Andrei dahil sa tagal daw tumingin ng mga damit pero wala naman kaming binibili. Tinawanan ko nalang siya dahil sa inasta nito.


Bakit kasi hindi nalang din ito tumingin ng para sa kanya?

Matagal-tagal din kaming nagpalipas sa loob ng mall at nalaman na nga lang naming alas-sais na pala ng gabi. Doon na namin napagpasyang umuwi.

"Sige, ingat kayo." Kumaway ako sa kanila at pinanood ang mga itong pumasok sa loob ng tricycle. Hindi pa kasi ako uuwi dahil may bibilhin pa akong materials para sa project namin.

"Ikaw din, ingat! Babush!" sabi naman ni April at pumasok na sa loob ng tricycle.

Nang makaalis ay dumako naman ang aking tingin kay Andrei na pinapanood lamang ding umandar ang tricycle na pinasukan ni April.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman ito sakin at umiling. "Ihahatid kita."

"Huwag na, may pamasahe naman ako. Atsaka gabi na kaya! Baka hinahanap ka na ni tita sa inyo," pag-angal ko naman sa kanya subalit ngumiti lamang siya.

"Exactly kung bakit hindi kita iiwan, gabi na."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kilig sa sinabi niya pero hindi rin nagtagal ay mabilis kong ipinilig ang aking ulo. Ano ba! Tropa mo yan, Avery. Asyumero mo talaga.

Sinubukan kong panatilihin ang poker-face ko kahit na kinikilig subalit dahil isa akong marupok na tao ay hindi ko na napigilan pang ngumiti.

"Hindi na nga, kaya ko sarili ko. Isusumbong kita kay tita! Kakagaling mo palang sa sakit mo pero palayas-layas ka na." Pinilit kong patigasin ang aking boses upang mapasunod siya ngunit walang epekto lamang ito sa kanya.

"Sasamahan na nga kit--"

"Huwag na nga," dahil baka magwala pa ako rito.

"Tsk! Sige na nga. Mag-ingat ka ha?" tuluyan nitong pagsuko sa pamimilit ko. Napangiti naman ako sa kanya at tumango. Pinanood ko itong sumakay sa isa ring tricycle at muling kumaway.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now