Chapter 38

4K 263 26
                                    

THOUGHT

. . .

Avery's POV


"Ano na bebe? Buhay ka pa ba?" pag-agaw sa akin ng atensyon ni April na siyang nagpabalik naman sa ulirat ko.

"Ha? ano ulit 'yon?" umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. Sumimangot ito at humalukipkip.

"Alam mo, kung hindi lang talaga kita kaibigan baka nabalatan ko na iyang mukha mo. Kanina pa ako rito kwento ng kwento tapos wala ka palang naiintindihan?!" nanggigigil niyang saad sabay lukot nito sa kanyang hawak na papel. Napayuko ako.

"Pasensya na, hindi lang talaga ako makapag-concentrate."


"Dahil ba kay Travis?" dinig kong hula niya na kinalingon ko naman nang mabanggit nito ang pangalan ni Travis. Hindi naman nakaligtas kay April ang saglit kong paglingon kaya napabugha na lamang siya ng hangin.

"Oh, ano bang problema niyo at hindi ka makinig-kinig sa 'kin? Kanina ko pa kayong napapansin ha, hindi nag-iimikan pero nagnanakawan naman ng mga tingin," bagot niyang sambit habang may kinukutkot sa kanyang mga kuko. Nanlaki naman ang mga mata ko.


Nahuli niya pala akong palihim na sinisilipan si Travis. Nakakahiya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nahihiyang inamin ang mga nangyari noong nakaraan.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa aming dalawa sa simula. Mula noong mga nagdaang araw hanggang sa rebelasyong nangyari kahapon.

Nang matapos ko ang pagkwento sa kanya ay halos hindi naman ito mapirmi sa kanyang kinauupuan dahil hindi ito makapaniwalang nasabi ko kay Travis ang lihim kong nararamdaman para sa kanya.

Hindi naman sikreto kay April ang tungkol sa nararamdaman ko kay Travis dahil nakwento ko na iyon sa kanya noong mga high school pa lamang kami. Alam ko naman kasing mapapag-katiwalaan ko siya dahil mabait na tao si April at may alam din akong mga sikretong tinatago nito upang maging patas kami.

Maski rin si Andrei ay alam nitong may feelings ako para kay Travis. Kaya nga nung mabanggit ko iyon sa kanya ay nagulat ako nang labis itong masaktan sa sinabi ko dahil malay ko bang malalim talaga ang pagtingin nito sa akin.

Naiwento ko kasi iyon noong oras na palagi kaming magkasama dati nung high school. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon bigla nalang nasabi sa kanya e hindi pa naman kami lubos na magkakilala. Basta'y kutob ko lamang na dapat kong sabihin iyon kay Andrei.

"OMG. Legit 'to ha? Mamaya pala nag-iimbento ka lang ng mga chismis," taas-kilay pa niyang tanong sa akin kaya naman tinanguan ko siya.

"Kaya naman pala grabe magdaydream iyang utak mo! Umabot na sa planetang jupiter at hindi na naririnig yung mga kwento ko," naiiling nitong wika kaya naman napakamot ako sa ulo.

"Sorry, hindi ko lang kasi maiwasan," nahihiya kong paumanhin sa kanya.

"Alam mo, gayahin mo nalang ako. Magtiktok ka rin para naman lumamig 'yang ulo mo," suhesyon nito at may hinalungkat sa loob ng kanyang bag. Kumunot naman ang noo ko.

"Ano yun?" takang tanong ko. Binigyan niya ako ng isang bagot na tingin at napairap na lamang bago binuksan ang hawak nitong cellphone.

"Ang outdated mo na talaga sis... eto oh!" may ipinakita siya sa aking isang application at ang nakasulat na name ay Tiktok.

"Ano bang ginagawa jan? Baka masayang lang storage ko. Punong-puno na nga ng thesis eh," tanong ko pa kay April na mas lalo niyang kinainis.

"Ayan ka na naman, puro ka aral! Try mo kayang lumabas ng bahay at gumala-gala? Hindi ka ba nagsasawa sa mga thesis mo? Wala ka na nga yatang games jan sa cellphone mo! Akin na 'yan, patingin nga!" at dahil saktong nakalapag lamang ang phone ko sa lamesa ng aming table ay mabilis niya iyong hinablot at nagmamadaling binuksan. Napailing na lamang ako sa kanya at sumandal sa upuan.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now