Chapter 35

4K 302 59
                                    

REVELATION

. . .

Avery's POV


"Hey, f*ggot." Hindi naman nakalagpas sa aking pandinig ang nagtawag sa 'kin gamit ang salitang 'yon kaya binalingan ko siya ng tingin.

Kumunot ang noo ko. Siya yung cheerleader kanina. Yung babaeng malandi rin.

Grabe, lahat nalang ba ng cheerleaders namin sa campus mga ganun ang ugali? Sana naman may matira pang matino kahit isa lang. Ako na ang nahihiya sa mga ugali nila eh. Mga naubusan na yata ng kahihiyan at pag-uugali.

"Anong kailangan mo?" kahit naiinis ako sa taong 'to ay sinubukan ko paring huwag samahan ng katarayan ang aking pananalita. Tinaasan niya ako ng kilay.

"May gusto ka ba kay Travis, f*ggot?" maarte niyang tanong. Napakagat-labi ako.

Kaunti nalang talaga at masasabunutan ko na ito kakatawag sa 'kin ng salitang 'f*ggot.'

"Sino ka ba?" hindi ko na natakpan pa ang pagtataray ng boses ko. Nanlaki ang kanyang mga mata pero maya-maya'y natawa ito sa aking inasta.

"Wow, so ikaw na ngayon ang nagtataray sa'ting dalawa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Dahil sa lakas ng matinis nitong boses ay may iilang napapatingin na sa amin kaya naman umiwas nalang ako ng tingin.


Ano ba kasing problema niya? Nananahimik yung tao rito tapos bigla nalang manunumbat ng masasamang salita.

"Hey, f*ggot," muli nitong pagtawag sa akin pero hindi ko na lamang siya binigyang-pansin at muling tumutok sa aming harapan.

"F*g! Hoy! Kinakausap kitang bakla ka--"

"Ano bang problema mo, huh?!" hindi na ako nakapagtimpi pa at pinagtaasan siya ng boses. Saglit naman itong natigilan sa biglaang pagsigaw ko. Pati ang ibang mga matatandang malapit sa 'min ay napatingin na sa aming gawi. Napairap ako ng mata.


Nakakairita. Ano ba kasing pakay ng babaeng 'to sa 'kin? Ipamukha sa sarili kong bakla ako? E ano naman ngayon? Yayaman ba siya kapag pinamukha niyang bading ako?

Nakakainis. Bakit ba kailangan pang sabihan yung tao ng masama? Ganito nalang ba talaga ang mga mindset ng tao ngayon? Wala namang ginagawa yung tao sa kanya pero kung makapagsalita, akala mo naman ay sinabihan siya ng masasakit na mga salita.

"You're lucky we are in a public place," narinig ko pang anas nito pero hindi na ito humarap pa sa akin at nanatiling nakatutok na lamang sa aming harapan. Napatikom ako ng bibig.

"You know what? I don't even need to know if you have feelings for him. It doesn't even matter. Sigurado rin naman akong mawawala iyan," dagdag pa nito. Saglit akong naguluhan sa kanyang sinabi.

"I'm saying this to you even though hindi pa naman nangyayari. Pero dahil mabait akong tao at iniisip ko pa rin naman ang mangyayari sa'yo ay binabantaan na kita habang maaga palang," seryoso niyang saad. Hindi naman ako sumagot at hinintay lamang ang susunod nitong sasabihin.






"Travis will never be into guys like you. In the first place, Travis isn't even gay. And he will never be. If you're thinking that maybe he's starting to feel the same way as you? Well then, stop being delusional and please look at the reality. Lalaki siya. At babae ang gusto niya.

"Kung naiisip mong siguro ay nagkakaroon na siya ng pagkaramdam sayo? Puwes, malamang ay pampalipas-oras ka lang niya at sa oras na magsawa na siya sayo ay maghahanap na ulit ito ng ibang taong may mapapasukan ng alaga niya at hindi na magtitiis pa sa pakikipag-espadahan ng alaga," puno ng pandidiri nitong litanya.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now