Chapter 44

3.7K 263 29
                                    

SNEAK

. . .

Avery's POV


"Here." Umupo si Travis sa isang bakanteng upuan malapit sa dulo ng bus. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa kanyang gilid kungsaan katabi ko ang bintana.

Hindi pa man umuusad ang sasakyan ay parang nakakaramdam na agad ako ng pagkahilo kaya naman nagtakip ako ng kamay sa aking ilong at bibig, marahil ay wala akong panyo na dala ngayon.

Kinuha ni Travis sa aking likod ang suot kong bag upang maayos akong makaupo at pinatong iyon sa kanyang mga hita.

"You okay? Hold this." Inilahad nito sa akin ang hawak nitong plastic. Hindi naman ako umangal sa kanya at sumunod na lamang sa utos nito.

Binaba niya rin ang kanyang bitbit na bag sa likuran at itinabi iyon sa bag ko. Binuksan ni Travis ang zipper nito at sandaling may hinalungkat sa loob.

Nang makita ang kanyang hinahanap ay mabilis niya iyong kinuha mula sa pinakababang parte at hinugot palabas ng kanyang bag. Napatingin naman ako roon at nakita ang hawak nitong face mask.

Umusog siya ng kaunti sa akin at may kinapa sa kanyang bulsa. Inilabas nito ang isang tissue na batid ko'y galing sa milktea shop na pinuntahan namin kanina. Inilagay niya iyon sa loob ng face mask at maya-maya'y humarap sa akin upang isuot ang hawak nitong mask.

Sinubukan ko namang kunin iyon sa kanya para ako nalang ang magkabit pero ayaw nitong ibigay sa akin at siya na raw ang maglalagay. Hinayaan ko na lamang ito at inayos ang pagkakasuot ng face mask pagkatapos.

Wala nang nagtangka pang magsalita sa aming dalawa matapos ang pangyayaring iyon at nagpakiramdaman na lamang ng paligid. Hindi naman kasi ako makapagsalita ng maayos habang nasa loob ng isang sasakyan kaya tahimik lang ako habang siya naman ay tahimik lang na minamatyagan ang pagdaloy ng mga kotse sa bintana kong katabi.


"Don't worry, we'll get there before you know it."


***


"Kasalanan mo ito eh," naluluha kong paninisi sa kanya.

"Hey! A-alright... it's my fault, I'm sorry but don't cry!" natataranta nitong pagpapatahan sa 'kin habang pinupunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Napapikit ako.

Dapat talaga naglakad nalang kami!

Paano ba naman kasi, mag-iisang oras na kaming nakaupo rito pero nangangalahati palang kami sa daan. Malay ko ba naman kasing traffic pala ngayon kahit gabing-gabi na. Edi sana ay nilakad nalang talaga namin ang kalsada dahil baka naroon na kami ngayon sa bahay at nagpapahinga pa kung hindi lang sana kami sumakay ng bus.

Kahit hilong-hilo na ako sa aking naaamoy ay umayos pa rin ako ng upo at marahang pinakalma ang sarili. Inalalayan naman ako ni Travis upang makaupo ng maayos subalit sinamaan ko ito ng tingin at pumikit.

Hindi ko kasi kayang irapan siya ngayon dahil baka umikot lang din ang ulo at sikmura ko sa hilo. Takot ko nalang na baka masuka ako rito sa loob ng bus. Nakakahiya naman at marami pa namang mga pasahero.


Bakit ba kasi ang daming mga tao ngayon at sobrang traffic pa?!

Napasandal na lamang ako ng ulo sa bintana at sinubukang ayusin ang ritmo ng aking paghinga pero maya-maya rin ay muling gumalaw ang ulo ko dahil hinapo ito ni Travis at kalauna'y isinandal sa kanyang balikat.

"Don't lean on the window. Mas mahihilo ka lang kapag ginawa mo 'yon," wika niya. Dahil naman sa panghihina ng aking katawan ay napatango na lamang ako bilang tugon at sinubukang makatulog.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon