Chapter 13

7.4K 419 19
                                    

PENTHOUSE

. . .

Avery's POV


"T-teka lang... haaahhh... magpahinga muna tayo... h-hindi ako makahinga," napakapit ako sa laylayan ng kanyang polo upang mapatigil siya sa pagtakbo dahil baka maiwanan niya ako.

Huminto naman ito sa pagtakbo at bumaling sa aking gawi. Bumitaw naman ako sa kanya at kumapit na lamang sa aking mga tuhod.

"Are you alright?" tanong niya sa 'kin at inalo ang likod ko. Tumango naman ako pero hindi ko na siya tiningnan at nagfocus na lamang sa paghabol ng hininga.

Nang kumalma ang sarili ay tinulungan ako nitong tumayo at inalalayang makapasok sa isang convenience store. Malapit lamang kasi iyon sa pinaghintuan namin kaya naman doon na muna kami pumasok upang magpalamig.

Hinanapan niya ako ng mauupuan at pagtapos ay pinaupo ako roon. Tumapat ito sa aking harapan at tiningnan kung may mga galos o sugat ba sa ang aking katawan.

"Does it hurt?" tanong niya sa akin habang hinahawakan ang parte ng balikat kong tinulak kanina nung mama. Umiling naman ako sa kanya pero inismiran lamang ako nito dahil nakita niya ang namamakat na pasa roon.

Hindi pa ito tumigil at pinagpatuloy lamang na galugarin ang bawat parte ng katawan ko kung may iba pa bang gasgas o sugat. Nagulat na naman ako nang itaas niya ang aking suot na damit at tinignang maigi ang aking tiyan. Hinawakan niya ang parteng iyon at hinimas.

"What about here? Isn't it painful in this part? I saw that motherf*cker punched you over here," hindi naman ako nakasagot agad sa tanong niya marahil napatutok lamang ang aking diwa sa kamay niyang humahaplos ngayon sa tiyan ko.

Pulang-pula ang aking pisngi dahil sa ginagawa niya kaya mabilis kong tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin at nagmamadaling ibinaba ang suot kong polo.

Bahagyang natigilan naman ito sa pagkilos matapos magsink-in sa kanya ang ginawa niya. Dagli itong napaubo ng wala sa oras at umiwas ng tingin.

"O-okay lang ako... 'wag kang mag-alala sa 'kin," nahihiya kong saad. Tumango naman ito sa akin at sandaling umalis muna sa tabi ko upang maghanap ng kung-anong makakain.

Kinuha ko naman ang aking cellphone at doon na lamang itinuon ang pansin. Bumalik din naman siya pagkaraan ng ilang minuto at maya-maya'y inaya akong tumayo.

"Let's go, we're leaving," anito at tumalikod na.

"B-baka nando'n pa yung lalaki kanina?" nauungot kong tanong. Umiling naman ito sa akin at nagsimula nang maglakad.

"I know. That's why we're not going to take that path." Nanlaki naman ang mga mata ko nang lumabas na ito ng store kaya naman napilitan akong tumayo at nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Path? May iba pa bang daanan papunta sa bahay namin? Bakit ngayon ko lang nalaman yun?" hindi naman ako nito sinagot at tahimik lamang na naglalakad kaya pinili ko na lamang manahimik.


Baka kasi naiingayan siya sa akin.

Tahimik ko siyang sinunod sa paglalakad at pinanood na lamang ang gumagalaw nitong matikas na likod.

Lukot-lukot ang kanyang polo at tila parang naglaro sa putik dahil may mga dumi pang nakasabit sa kanyang damit. Tumaas naman ang aking tingin papunta sa kanyang ulo at nakitang gulo-gulo ang mga buhok nito ngunit gayunpaman ay mababatid mo pa ring malakas ang tindig nitong dinadala. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ngayon ang umiikot sa ulo niya.




Ano nga bang pumapasok sa isip mo, Travis?


Halos tumagal kami ng mahigit isang oras sa paglalakad. Ilang beses ko na siyang tinatanong kung malayo pa ba ang dadaanan naming ruta pero ang tanging isinasagot lamang niya ay 'almost.' O kung hindi man iyon ay hindi na ito nagsasalita pa. Napabuntong-hininga na lamang ako.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now