Chapter 58

3.6K 276 48
                                    

SANITY

. . .

Avery's POV


"Hmmm..."

Naalimpungatan ako mula sa aking mahimbing na tulog nang masinagan ako sa mukha ng araw.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata at maya-maya ay sandaling nag-inat ng katawan. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at pagkatapos ay sinubukang tumayo nang bigla na lamang akong napangiwi dahil sa biglaang paghapdi ng aking ibabang bahagi.

Wala akong nagawa kundi ang mapabalik sa pagkakaupo at malumanay na hinimas ang aking gitna na ngayon ay natatakpan ng suot kong pajama. Kunot-noo kong inalala ang mga nangyari kagabi at kung bakit nananakit ngayon ang aking harapan.

Pinag-trip-an ako ni Travis.

Nag-good night ito sa akin.

Nag-kiss kaming dalawa...

H-hanggang sa nauwi iyon sa isang milagro.

Nilinisan ako nito.

Pumasok ito sa banyo ko at doon nagpalipas ng ilang oras.

Sa sobrang tagal nito ay tuluyan na akong dinaluyan ng antok.


OMG.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng mga kamay sa bibig matapos maalala ang lahat ng mga nangyari.

Akala ko nananaginip lang ako... totoo pala.


Anak ng pugita.

Kahit na kumikirot pa ng kaunti ang aking ibaba ay sinubukan ko pa ring makatayo at dahan-dahang nagtungo sa banyo. Pagpasok ay mabilis akong naghilamos ng mukha upang mahimasmasan ang aking sarili. Pagtapos ay naligo na lamang ako at hindi na ininda pa ang lamig na dala ng tubig.

Hindi naman ako nagtagal sa pagligo dahil hirap na hirap talaga akong tumayo ng maayos. Minadali ko na lamang ang paglilinis sa aking katawan at nang matapos ay nagpunas na ng katawan at nagbihis ng aking uniporme pang-eskwelahan.

Hindi kalaunan ay napagpasyahan ko na ring lumabas ng aking kwarto nang maayos ang lahat ng aking kailangang dalhin. Hindi na ako nagtangka pang linisin ang aking silid dahil maayos naman na iyon at batid ko'y inayos muna siguro ni Travis ang mga kagamitan ko bago ito tuluyang lumisan sa aking kwarto.

Tahimik akong bumaba sa hagdan ng hindi maitanggal sa mukha ang nakapaskil na ngiti sa aking mga labi.

Wala lang, kinikilig lang akong isipin na may nangyari talaga sa pagitan namin ni Travis... na parang hindi rin? Kasi wala naman talagang eksenang nangyari sa pagitan namin ni Travis dahil hindi naman niya...

Whatever. Basta may nangyari sa amin kahit na hindi naman talagang totally may nangyari. Yun na 'yon.


At isa pa, sobrang gaan kasi ng pakiramdam ko ngayon at tila wala akong maramdaman na kahit anong bigat sa katawan. Grabe, totoo pala talagang kapag ginawa niyo yun, gagaan ang mga pakiramdam niyo. Mauulit pa kaya 'yon?




Wait, what?

Bago pa man ako makapag-isip ng iba ay napahinto ako sa aking paglalakad nang bigla na lamang mahagip ng mga mata ko ang isang pangyayaring gumulantang ng sobra sa aking sistema.

Si Travis... nakaluhod sa isang palangganang may laman ng punong-punong monggo habang sinesermonan ito mama na may hawak ngayon ng isang walis-tingting.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng mga oras at dali-daling napatakbo patungo sa kanilang direksyon.

"Travis!" nag-aalalang tugon ko rito habang tumatakbo palapit sa kanila. Marahil naman sa aking biglaang pagsigaw ay mabilis kong naagaw ang mga atensyon nilang dalawa at sandaling napatigil sa kanilang mga ginagawa.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now