Chapter 64 (PT. 2)

2.7K 198 20
                                    

DATE

. . .

Avery's POV


Hindi na kami nakapag-usap pang muli matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon.

Kanina pa kaming dalawa paikot-ikot dito sa loob ng mall at pinagpapasalamat ko na lamang na napakalaki nitong pinuntahan namin dahil hindi pa rin kami natatapos sa paglalakad.

Habang naglilibot ay palihim kong sinilip kung ano ang kanyang iniisip ngayon at ganoon pa rin naman ito tulad nung kanina. Blanko ang mukha.

Pero kahit hindi man nito ipakita ang kanyang totoong nararamdaman sa panlabas ay sigurado akong masaya ito ngayon sa aming ginagawa. Hindi ko alam kung paano pero basta'y nakikita kong may bahid ng saya ang kanyang mga mata.


I don't know. It may sounds funny but... I just... I just felt and seemed like it really does to him. Ayokong mag-assume ng mga bagay-bagay kaya naman pinipilit kong pakalmahin muna ang aking sistema habang kami'y naglalakad.

I don't want to jump into conclusions that might lead me to confusions. Ayokong mag-overthink dahil iyon ang unang dapat kong gawin, sabi niya.

Hindi naman sa nahihirapan ako sa aking sitwasyon. It's just that, literal na wala lang talaga akong alam pagdating sa mga ganito. And everytime that whenever these things happens to me, I always tend to mess things up.

But just like what he said before. I'm not alone in this date. Kasama ko ito ngayon at alam kong hindi niya ako iiwanan. So what's the point if I mess things up, you know? Hindi naman kailangan, lahat ng gagawin ko ay successful at perpekto. I guess that's what he's trying to imply earlier?

That I don't need to do some things in order for our date to work. I don't need to do anything just to make this thing successful. All I have to do is just be myself for the rest of the day.


Nakakatawa lang isiping dati, everytime na tinatanong kami ng mga proctors namin about this certain type of situations, ako pa talaga ang nangungunang sumagot sa kanilang lahat.

I admit, I'm a hopeless romantic person. Kahit naman hindi ko na sabihin pa sa mga kaklase ko ay paniguradong nahahalata na nila sa 'kin dahil ako pa talaga ang pinaka-attentive sa 'ming lahat na sumagot ng mga tanong pagdating sa ganoong mga bagay.

Hindi ko alam. Siguro ay dahil sa sobrang dami ko nang mga nababasang love stories kaya tumatak na iyon sa aking pag-iisip? To the point na pati ako mismo, naniniwalang mahahanap ko rin sa future ang magiging 'the one' ko at tatanggapin ako bilang ako hanggang sa aming pagtanda.


Parang gusto ko tuloy pagtawanan ang sarili ko sa ngayon.

Imagine myself, answering those ‘easy’ love-involving questions without experiencing how to be in part of one. I don't even know what and how does it really feels.

Napailing na lamang ako sa sarili at napangiti. Grabeng napaka-hopeless romantic ko naman palang tao.

But anyway, if you're going to ask me why I am still finding that 'one' person kung totoong mahal ko na talaga si Travis simula pagkabata palang? Well... that's because I became a hopeless romantic after what Travis did to me in the past.

Ang gulo ko ba? Dahil sobrang gulo ko talaga. Kung kailan pa talaga iniwanan ako nung tao sa ere, saka pa ako naniwalang makakahanap din ng taong tunay na magmamahal sa 'kin.


Ano nga bang dahilan kung bakit ako naging ganito?

"Avery," mabilis naman akong napabalikwas kay Travis nang marinig itong tawagin ako.

How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now