Chapter 05

10.2K 504 17
                                    

DEPARTURE

. . .

[ DAY OF FIELD TRIP ]

~ ~ ~

Avery's POV


"Anak! Aba't! Gumising ka na nga jan at baka ma-late ka pa!"

"Mama... maaga pa--"

"MAAGA PA TALAGA! KAYA GUMISING KA NA DYAN PARA MAKAPAG-AYOS KA NA NG MAAGA--"

"Opo! Eto na, tatayo na! Daig niyo pa yung tunog ng alarm clock ko eh!" umupo na ako sa mula sa pagkakahiga at naginat-inat ng katawan. Tumingin ako sa aking kanan at nakita si mamang umiiling-iling pa.

"Ikaw talagang bata ka! Kung hindi pa ako maihi ng dahil sa lamig, baka hindi ka na jan makaabot sa field trip mo." Hinimas-himas pa niya ang kanyang sentido habang sinasabi iyon. Napangiti na lamang ako ng matamis at tumayo na.

Nilapitan ko si mama at niyakap. "Salamat ma, sa paggising." Tumango-tango na lamang siya bago kumalas sa pagkakayakap.

"Maligo ka na. Isang oras nalang at aalis na iyang bus niyo," huling paalala niya bago ito lumabas ng kwarto. Kahit na hindi ako nito nakikita ay tumango-tango pa rin ako at pumasok na ng cr. Gaya ng sabi ni mama ay nagmadali na ako sa paggamit ng banyo upang makapunta na sa sakayan ng aming bus.


***


"Ma, alis na po ako!" sigaw ko pagkababa ng sala.

"Teka lang... dalhin mo nalang 'tong almusal mo." Lumapit si mama sa akin habang dala-dala ang kanyang pinalamanang tinapay at inilagay sa loob ng suot kong backpack.

Aangal pa sana ako dahil balak kong bumili ng pagkain sa isang fast food restaurant dahil malapit lang naman iyon sa bus stop namin ngunit para hindi madismaya si mama ay pinabayaan ko na lamang siyang ipasok ang tinapay.

Kakainin ko nalang siguro sa biyahe namin.

Bago pa man ako makalabas ng bahay ay inikot muna niya ako paharap sa kanya.

"Ano kasi... hindi na ba talaga kita kailangang samahan? 4 days kayo roon, baka mapaano ka pa--" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at ngumiti.

"Mama naman, ang tanda ko na. Grade 12 na po ako, baka nakakalimutan niyo. Kung walang K-12, malamang ay college na nga ako. Grabe ka naman sa 'kin mag-alala, ma! Isang araw lang naman ang nadagdag sa field trip namin, parang hindi ka na mapakali."

"Alam ko naman yun. Ang sa akin lang, kinakabahan ako dahil ang huling sama mo sa field trip ay noong elementary ka pa! Syempre, baka maligaw ka roon dahil hindi ka masyadong gumagala--" hindi ko na ito pinatapos pang muli at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.

"Mama, wala ka namang dapat ipag-alala dahil kasama roon ang buong faculty members ng campus. At isa pa, team building ang gagawin namin, baka tamarin ka lang doon."

"Ang importante ay nasasamahan kita," nakapamewang niyang sambit. Natawa naman ako sa inakto niya at ginaya ang kanyang kilos.

"Kasama ko po si Andrei kung nakakalimutan niyo. Hindi naman po ako iiwan no'n," panggagaya ko.

Dahil sa sobrang pagpipilit ko sa kanyang hindi na sumama ay wala na siyang nagawa pa at bumusangot ang mukha.

"Bahala ka na nga! Pag-uwi mo, dapat kumpleto 'yang katawan mo ha?" paalala nito sa akin habang nakahalukipkip.

Napangiti na lamang ako sa kanya at tumango.

"Pangako. Sige na ma, babye na. Baka mahuli pa 'ko. I-lock niyo po lagi ang gate ha? Tsaka gisingin niyo na po si kuya, paglinisin niyo yun ng bahay." Tumalikod na ako at nagsimula ng lakarin ang daanan.


How To Tame A DemonWhere stories live. Discover now