Chapter 31 - Bestfriends Forever

3.1K 29 22
                                    

Chapter 31 – Coleen

Dumating ako sa bahay at nadatnan kong nakaupo lang naman si Papa sa couch sa sala. Ineexpect kong papagalitan nya ko. Syempre hindi ako nagpaalam sa kanya, tapos hindi ko rin nasagot mga tawag nya dahil lowbat na yung phone ko.

"San ka nanggaling Coleen?Bakit ngayon ka lang nakauwi?" seryosong tanong ni Papa, habang papalapit sakin. Nasa tapat kami nun ng hagdan. "May boyfriend ka na ba anak?" nagulat ako nun sa tanong yun ni Papa.

Ang hindi nya alam, kakabreak break lang naming ngayon ni Ranz. Ni hindi ko pa nun nasasabi sa kanya na may boyfriend na ko. Pero eto sya ngayon, nagtatanong kung nagkaroon na ko ng boyfriend. Na never nyang naitanong pa sakin.

"Wala po Pa,nayaya lang po ako ng classmate kong magpunta sa perya. Kaya napagabi po ako ng uwi.Hindi ko na po kayo maitext kasi po lowbat na ko." Ngumiti naman sakin si Papa at tsaka sya humawak sa pisngi ko.

"Dalaga ka na anak,sigurado akong may mga suitors ka na. Kaso,sana kapag may seryosong manliligaw ka na,. Pakilala mo sakin, para makilala ko naman ang first boyfriend ng anak ko." Kung nasabi ko pala noon na boyfriend ko si Ranz, baka hindi sya pumayag. Kase naging boyfriend ko lang naman si Ranz, nung ligawan nya ko nun sa school. Kahit hindi naman kami pareho ng school.Pinupuntahan nya ko kahit hindi alam ni Papa.

"Papa, wala naman po akong suitors eh. Pero sige po,kapag meron na.." sabay ngiti at taas ng dalawa kong kilay. "Ipapakilala ko po sa inyo, syempre. Kayo Pa." Napangiti naman si Papa nun sa sinabi ko.

"Pero kapag nakasal na talaga kami ng tita Ivy mo. May tatlong guard na ko na magbabantay sa princess ko." Tsaka naman pinisil ni Papa ang pisngi ko. Sinong tatlong guard?

"Tatlong guard po?"

"Yung mga magiging kapatid mo, sina Louie,Louise at Li.." ah, oo nga pala. Mga anak nga pala ni Tita Ivy.

"hmmm.."

"Oh sya anak, gabi na. Magpahinga ka na..Have a goodnight Coleen, sleepwell" kiniss naman ako ni Papa sa forehead at tinapik sa braso.

"Goodnight din Papa, I love you so much.."

*Recent Happening* - Owy

"Why?Dahil naging girlfriend sya ni Ranz. Dahil mas gusto mo si Ranz sa kanya. Kuya? Kapatid mo ko, ako dapat ang mas paboran mo!" nagulat ako ng sigawan ako ni Oli kaya namna natahimik ako.

Is this the right thing to do? Do I have the right to this?Kaya ko bas yang makita na nasasaktan?

What now Owy? You have to decide... immediately bago pa mahuli ang lahat.

"What? That's the reason right?!"

I'll tell him the truth.

"no it's not..." nagdadalawang isip pa ko, pero bahala na. "I really don't want to say this but... Coleen, Coleen is.."

"OWYBABE!!" napalingon na lang kaming dalawa ni Oli. Nakita naming si Alexia na nasa second floor ng bahay nila, sa terrace ng kwarto nya. "Nag-aaway ba kayo?Ang lakas lakas ng boses nyo. Ang dami na kayang natutulog. Baka magising si Onin sa ginagawa nyo"

Napatingin naman ako kay Oli at ibinalik ko yung tingin ko kay Alexia.

"Sorry Alexia, goodnight na.." pumasok si Oli sa loob ng bahay ng hindi man lang tumitingin sakin. Hindi ko naman na sinundan si Oli, siguro sa susunod ko na lang sasabihin kapag hindi na mainit ang ulo nya.

*Chi Villagraca Residence* - Chi

Kanina pa ko nagtatap ng lapis dito sa lamesa ko, pero isa pa rin ang taong pumapasok sa isip ko. Si Ully.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now