Chapter 17 - Get Together

4K 40 33
                                    

Chapter 17 – Owy

"Kuya?Are you serious!?" gulat na gulat na tanong ni Oli sa akin.

"UY!Alexia, gising!" pilit namang ginigising ni Cav si Alexia na nawalan ng malay.

Napakamot na lang ako ng ulo at kinuha ang tumalbog na bola at hinagis ulit sa ring.

"I'm serious, okay?" nasabi ko na lang pagkalingon ko kay Oli.

*Webb's Residence * - Ully

"Hoy Ully!Anong panggagatong ang sinabi mo kay Irish at ayaw magpakita sakin?" napalingon ako kay Biboy. Naglalakad kasi kami palabas ng Village, mag-cocommute lang kami papuntang simbahan eh.

"Anong panggagatong?!" napakunot noo ako. "Hoy Biboy!H'wag mo nga akong pinaparatangan. Nakilala ko lang sya, hindi ko sya nakausap ng matagal." ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko. "at tsaka, ikaw ang kaibigan nya di ba?"

Sinimangutan lang ako ni Biboy.

"Eh bakit ayaw sabihin kung nasan sya?"

Hala? Eh problema ko ba yun?

"Topak ka ba bro? Eh anong malay ko! Kayo magkaibigan eh." napahinto naman ako at nakaisip ng kalokohan "Ah.. alam ko na."

"Ano?" curious na tanong nya.

"Baka ayaw ka ng makita ulit. Akala nya siguro nung nagkita ulit kayo,mukhang totoy ka pa din. Ayun pala mukhang tatay!" halos maiyak ako sa kakatawa nung sinabi ko yun sa kanya. Kitang-kita ko kase ang reaksyon nya na hindi maipinta.

"ARAY!" binatukan na naman ako. "Kayo ha!nakakarami na kayo!Lagi nyo na lang akong binabatukan. Baka sa susunod na batok nyo. Magka-amnesia ako. At hanapin ko sina Crispin at Basilio.." seryosong sabi ko. "Basilio!!!" humawak ako sa braso nya. "Crispin!!!"

"Baliw!Hindi nagka-amnesia si Sisa!" napasimangot na lang ako. Hindi nya nagets yung punchline ko. "Mag-joke ka nga ng nakakatawa. Ang korni mo eh. Langwenta mga jokes mo!"

"parang ikaw marunong mag-joke!" inilagay ko naman sa likod ng batok ko ang dalawang kamay ko..

*Street* - Irish

"Sana magustuhan to ni Biboy" naggawa ako ng graham cake kagabi para sa kanya. Matagal ko na ding hindi nakita ang bestfriend kong yun!At nung napunta kami sa Maynila, sya agad ang hinanap ko. Ibinigay kasi nya yung address nila nung bago pa sila umalis ng probinsya nung mga bata pa kami. Buti na lang nga at naaalala pa nya ko. Kaya nung nagkita kami, agad kaming nagpakuha ng picture na magkasama. Hanggang ngayon pa rin talaga, hindi pa rin sya nagbabago. Mabait pa rin sya at syempre gwapo.

Di nyo kasi naiitatanong,eh first crush ko si Biboy nung Elementary. Puppy Love nga siguro kung tatawagin.

Nagcommute at sumakay lang din ako sa jeep para makarating sa Village nila. Pero pagkababa na pagkababa ko sa Jeep. Nakita ko naman silang sumakay sa Jeep nung kasama nya. Sayang naman, nagkasalisi kami. Hindi ko na rin naman sila sinundan, sa halip ay tumuloy na lang ako papunta sa bahay nila.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay nila ay pinapasok agad ako ni Ninang Bianca, yung Mama ni Biboy. Ninang ko kasi talaga sya.

"Naku Irish, sayang at nagkasalisi kayo ni Biboy. Nagsimba kasi kasama yung kaibigan nyang si Ully." sabi nya sakin habang karga-karga si Baby Beige, yung kapatid ni Biboy.

"Okay lang po Ninang, hihintayin ko na lang po sya." tumingin naman ako sa dala kong paper bag. "Oo nga po pala Ninang, para sa inyo po. Ginawa ko po yan kagabi. Sana po magustuhan nyo." ibinigay ko naman yung paper bag.

"Salamat iha... Oh maupo ka muna.." nag-pause sya at tumingin sa upuan. "Kukuha lang ako ng makakain sandali.." ang bait pa rin talaga sakin ni Ninang.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon