Chapter 43 - Chosen

1.5K 21 6
                                    

Chapter 43 - Biboy

"Biboy, bakit ka ba nagkakaganyan? bakit mo ko iniiwasan? Ano abang nagawa ko sayo? Ano bang ikinagagalit mo?" papaluha na sya habang sinasabi ang mga salitang yun. Di ko akalain na mangyayari samin to ni Irish. Matagal na kaming magkaibigan, hindi ko alam kung pano ako nahulog sa kanya ng ganito.

Mahal ko sya, mahal na mahal ko na nga sya. Para ako na mismo ang umiwas at kahit nasasaktan ako. Susubukan ko pa ring lumayo para sa ikaliligaya nya. At alam kong hindi sakin yun, iba ang taong gusto nya.

"Irish, hindi ako galit at hindi rin ako umiiwas. Hayaan mo na ko. Dumistansya muna tayo sa isa't-isa. Yun ang naging desisyon ko.." napatungo ako nun. Ayokong makita syang nagkakaganito sa harapan ko. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao kapag nakikita ko syang nasasaktan.

"Pero bakit? Bakit kailangan nating dumistansya sa isa't-isa. Bakit?Ayaw mo nab a kong makasama Biboy?Ayaw mo na ba kong maging kaibigan?" napatingin ako sa kanya at nakita kong pinahid nya ang luha nya. "Biboy.. magsalita ka. Bakit kaialgan mong umiwas. Ano bang nagawa ko sayo para magkaganyan ka?" natahimik lang ako sa sinabi nyang yun.

Ni hindi pa nya alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya. I'm just nothing compare to Ully na nagustuhan nya. Kaya wala akong karapatang mahalin si Irish, hindi ako ang gusto nyang lalaki.

"Biboy, sabihin mo naman oh." Pinunasan nya ulit ang luha nya sa ikalawang pagkakataon, ngayon ko lang nakitang ganitong umiyak si Irish. Ako ang mas nasasaktan sa nakikita ko. "Ano bang nagawa ko??"

Sometimes, you just need to distance yourself from someone. Kung may pakialam sya, mapapansin ka nya. Kung alam nya ang dahilan, alam mo na kung saan ka lulugar.

May pakialam sya sakin. Pero kung malaman nya yung dahilan. Papansinin nya pa kaya ako. Ituturing nya ba kong kaibigan ulit na parang walang nangyari???

Umiling ako kay Irish, yumuko ako at tinalikuran ko sya..

"Biboy!" Tumuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis.

"Biboy!!!" patuloy pa rin syang sumisigaw.

"Biboy!! Mahal kita! Mahal na mahal na mahal kita!" napahinto na lang ako sa paglalakad ko ngabilis. Napalingon ako sa kanya, at nung nakita ko ang mukha nya. Napaupo sya sa kinatatayuan nya. Yumuko sya at tinakpan nya ng kanyang mga palad ang mukha nya. Patuloy pa rin sya sa pagluha.

I run into her para yakapin sya ng mahigpit. Itunuon nya ang forehead nya sa braso ko at hinagod ko ang likod nya.

"mahal din kita Irish, mahal na mahal din kita." Sabay yakap ko sa kanya mahigpit.

*Webb's Residence* - Ully

"Hi Chi" text ko kay Chi, matapos kong makauwi ng bahay. Loner nga ako kaninang umuwi eh. Di ko kasi makita si Biboy tapos di nagrereply sa mga text. Pa-VIP yung taong yun. Ano na kayang nangyari sa kanila ni Irish? Tagal namang mag-reply ni Chi, 3 minutes after pa. Matagal yun diba?

["ah hello? Ully?"] tignan mo text nito, parang di pa sure na ako yung kausap nya. Tawagan ko kaya, naka line naman ako eh.

"Ully nga to. Pwede tumawag?"sagot ko sa text nya.

Pero ilang segundo lang, ang nareceive kong sagot nya sa text ko.

["wag wag wag!"] Huh? Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ahh. Ayaw mo ah. Napangisi ako.

Tinawagan ko nga sya pero ring lang ng ring at hindi nya sinasagot ang tawag. Pagkatapos ng anim na ring ng cellphone nya, sinagot na rin sa wakas.

"Chi!" biglang bati ko sa kanya. Ngiting-ngiti pa ko nun. Nakakatamad magtext eh.

["Ully,bakit ba gusto mo tawag??"] pati boses nya sa phone ang cute. Parang nahihiya pati sya kasi mahina yung boses nya. Ngayon ko lang kasi narinig ang boses nya sa phone eh

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now