Chapter 3 - First Love

9.3K 130 37
                                    

Chapter 3 - Ullyses

"Owy, dala mo laptop mo?" tanong ko kay Owy habang nagpupunas ng pawis. May naisip kase ako kanina ng makita ko na ang bagong gf ni Ranz.

"Hindi bakit?' sagot nya sakin habang inaayos yung gamit nya sa bag.

"Eh si,Oli?Dala nya?"

Sana dala ni Oli.

"Ewan ko, bakit nga?" tanong nya ulit at clueless sya sa kung anong gagawin ko.

"Basta.." tinalikuran ko naman sya at pumunta ako sa direksyon ni Oli.

"Oli, dala mo laptop mo?" napalingon sya sakin, at nakakunot na noo kaagad ang nakita ko..

Teka nga wala pa kong ginagawa ah!?

"Oo bakit?problema?" problema nitong magkapatid na to. Laging mukhang badtrip? Ako lang ba talaga ang palaging goodvibes dito sa grupo?

"Peram ako sandali?" kinuha naman nya ng dahan-dahan sa bag nya. Notebook laptop lang yun kaya medyo may kaliitan lang.

"Oh, ingatan mo." Iniabot nya kaagad sa akin ng mailabas nya sa bag nya.

Para namang ihahagis ko tong laptop mo. Eh kung subukan ko kaya?

"May broadband ka?" napalingon ulit sya.

"OH!Ibalik mo agad ah!" tumayo sya at pumasok sa CR.

"Tss. Problema nun? Eh!Bahala sya." Nakangisi akong binuksan yung laptop nya.

Eto na,

Eto na,

Eto na!

Agad akong nagbukas ng browser para i-type ang

f a c e b o o k . c o m

AYUN!!

"huh? hindi nya in-offline?" tumingin pa ako sa cr bago ibalik ang tingin ko sa laptop. Naiwan kasing bukas ni Oli ang facebook nya.

Siguro naka auto-login to? Tutal, bukas na rin yung facebook nya. Sya na ang iuuna kong i-add kay Coleen. Hindi naman siguro magagalit yun.

Hindi naman nagging mahirap hanapin si Coleen sa friends list ni Ranz kaya kaagad kong nakita ang profile nya.

"Wew. Ang ganda talaga."

Add as Friend.

"Uy! Ully, anong ginagawa mo dyan?" nagpanic naman ako at na-i-offline ko kaagad yung facebook ni Oli.

"Wala, ina-add ko lang si Coleen sa facebook." lumapit naman sakin si Owy.

"Si Coleen?" umupo sya sa tabi ko. "ako muna, i-add mo ko sa kanya. Akina muna yung laptop." Ano ba yan! Dalawang tao na ang nauna saking mag-add kay Coleen.

"Oh, teka laptop ba to ni Oli?" grabe ngayon lang nya napansin.

"Oo!" pa-online na sana ako pero biglang inagaw ni Cav yung laptop.

"Uy! Bro! ina-add mo si Coleen sa facebook?" Cav, wag mo naman akong unahan oh?

"Teka, ako muna ah." hay sabi ko na eh. Hindi ko na add si Coleen.

"oh." abot naman sakin ni Cav.

"Langya kayo, ako nga una mag-aadd sa kanya eh. Inunhan nyo na kong lahat."

"Pasensya, hindi naman namin alam.." tumayo naman si Cav.

"Uy mga bro, anong pinagkakaguluhan nyo dyan sa laptop?"

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now