Chapter 63 - Conclusion

1K 15 4
                                    

Chapter 63 - Oliver

Nagising ako bigla at napatingin sa wall clock na nasa kwarto ko, 5:40 am pa lang pala, nakaidlip pa lang pala ako. Di pa rin naman maganda ang pakiramdam ko, medyo nahihilo pa rin ako. Siguro dahil na rin sa pinainom saking gamot kanina ni Coleen. Napagalaw ako ng kaunti at nagulat ako ng may natabig ako. Napalingon na lang ako at nakita kong nakatalikod sakin si Coleen. Nakatulog na din pala siya habang katabi ako. Bumangon ako at pumunta sa study table ko para kunin yung camera na nasa table ko.

Inoff ko naman yung flash nung camera at kinuhanan ko ng picture si Coleen habang natutulog. Sa amo ng mukha nya habang natutulog, iisipin mong anghel sya.

Nagulat na lang ako ng kusutin nya yung mata nya at bigla na lang syang nagising. Ang lakas ng pakiramdam nya!

"Oli.." tawag nya sa pangalan ko ng maaninagan nya ko. Sa gulat ko naman na-i-shoot ko na lang kaagad sa drawer ng study table yung camera. "gising ka na?"

"AH OO!"

"Okay ka na?" kinusot-kusot naman nya ang mata nya habang bumabangon sa kama.

"Ah oo! Medyo okay na! " nakangiting sabi ko sa kanya.

"teka anong oras na ba?" napatingin naman sya sa orasan."5:40 palang pala. Naidlip lang pala tayo." Nakatitig lang naman ako sa kanya habang nagsasalita sya. Tumingin naman sya sakin bigla.

"AH OO!!"

"buti pa, lilipat na kong kwarto. Babalik na lang ako dun sa kwarto ng Mommy mo.." nakangiti nyang sabi.

"Ah hindi! Ako na lang lilipat dun kay Kuya."

"hindi ako na." nakangiti nyang sabi at tumayo na din sya.

"Ako na. " umabante sya at hinarangan ko naman sya kaagad.

"ako na." maikling sagot ko. Nakatinginan lang naman kami, dahil may katangkaran nga ako sa kanya ay nakatingala sya sakin.

"ako na." sagot nya at umabante kaagad sya, kasabay naman nun ng pagpigil kong bigla sa kanya. Di ko na rin namalayan nun na naitulak ko pala sya. Sa kagustuhan kong saluhin sya ay napahiga akong kasabay sya.

Sa pagkakataong yun, napahiga kaming dalawa sa kama ko. Sa bilis ng pagtibok ngpuso ko, pakiramdama ko sasabog na. Habang nakatitig kaming dalawa sa isa't-isa. Walang gumagalaw, walang nagsasalita.

I can't do anything but to stare on her eyes.

Malalim ang paghinga nya na parang hindi na din sya makahinga. Ang pakiramdam ko naman nun, para bang hindi na ko humihinga...

Yung lamig ng aircon ng kwarto ko, parang biglang napalitan ng init sa pagpapawis ko.

Sa isip-isip ko, ano kayang nararamdaman at naiisip ni Coleen ngayon?

Sa mga oras na yun, gusto ko syang halikan.Sa mga titig ko, napapikit na lang bigla si Coleen. Dahan-dahan akong inilapit ang mukha ko sa kanya habang nakapikit ako.

"Oli.."

Napamulat na lang ako ng tawagin nyang bigla ang pangalan ko. Nakatingin na pala sakin si Coleen.

"Oli..Umm.. mabigat ka na kasi."

"AY SORRY!" napatayo na lang akong bigla. Tumalikod ako sa kanya sandali at kaagad din naman akong humarap.

"Okay lang..." nagkatitigan ulit kami. "umm.. sige, labas na ko.." maiksing sabi nya at iniwan nya akong mag-isa sa kwarto ko. Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad papalabas ng kwarto.

Ano ba tong nasa isip ko kanina?? Dapat hindi ko ginawa yun! Pano kung mailang na sakin si Coleen ng tuluyan??

Ayoko na ulit, magkalayo kami sa isa't-isa.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now