Chapter 28 - Separation

3.2K 30 25
                                    

Chapter 28 - Abby

Pinili namin ni Ranz, na magsayaw na lang, gamit ang music na napili namin. Hindi rin kasi kami marunong tumugtog ng musical instruments gaya nina Coleen at Oli. Sa tingin ko talaga bagay sila, lahat kasi ng kayang gawin ni Coleen, parang kaya ding gawin ni Oli Kaya sigurado akong fit sila sa isa't-isa. Mukhang nag-eenjoy naman sila sa pag-uusap tungkol sa ipeperform nila. Tumatawa pa nga sila eh. Medyo naiinggit pa nga ako.Dahil sweet sila sa isa't-isa kahit hindi naman sila. Namimiss ko tuloy yung dating kami ni Ranz.

"Abby, just follow my steps okay?" sabi sakin ni Ranz, tumango lang naman ako sa kanya . Magkahawak ang magkabila naming kamay. Parang hiphop na sweetdance kasi yung gagawin namin. Medyo marunong din naman akong magsayaw kaya okay lang sakin. Habang nagsasayaw naman kami, napansin kong laging tumitingin sa direksyon nina Oli si Ranz. Hindi ko alam kung kanino sya tumitingin. Ang alam ko lang, may kakaiba akong nararamdaman. Parang may something na dapat ko na talagang malaman. Hawak-hawak nya yung kanang kamay ko nun, palayo ako sa kanya, tsaka naman ako babalik para saluhin nya. Pero nung pabalik na ko, hindi ako nasalo ni Ranz.

"A- a- aray.." napahawak na lang ako sa likod ko, masakit din kasi. Buti na lang at damuhan yung lugar na nabagsakan ko.

"Ah- so- sorry Abby!" agad naman akong nilapitan ni Ranz.

"Anung nangyari Ranz?" rinig kong tanong ni Oli pero hindi sya sinagot ni Ranz.

"Kaya mo bang tumayo Abby?" tanong sakin ni Ranz, at nakikita ko naman sa mga mata nyang worried din sya.

"Ah- oh- okay lang Ranz, kaya kong tumayo." Iniabot ni Ranz yung kamay nya sakin, at inabot ko naman kaagad yun. Pagkatapos kong tumayo tumingin na lang bigla si Ranz kina Coleen at Oliver.

"Coleen, Sorry, pero sa iba na lang kami magprapractice ni Abby, Kita na lang tayo sa bahay namin mamaya." Napatingin ako sa mga mata ni Coleen. Parang nagulat sya, hindi ko alam kung bakit. Mukha kasi syang iiyak nung sinabi ni Ranz yun. Anu bang nangyayari sa kanila?

"Ah- s—sige." Yun na lang yun sagot ni Coleen.

Tsaka naman sya tinalikuran ni Ranz. Hawak-hawak pa rin ni Ranz yung kamay ko. Tsaka naman nya ko hinila papalabas ng bahay nina Coleen. Binabalik-balikan ko sila ng tingin ni Oli para magpaalam sana, pero parang nakita kong umiiyak na si Coleen.

Lalo na kong nagduda sa nangyayari.

Hindi pa rin tumitigil si Ranz sa paglalakad, kahit naman hindi nya ko hinihila nararamdaman ko pa rin na nagmamadali sya.

"R- Ranz, teka sandali. R-Ranz, wait. " napahinto na lang sya sa paglalakad. Hawak pa rin nya nun yung kamay ko.

"Bakit Abby? May problema ba? H'wag kang mag-alala, ipagpapatuloy naman natin yung practice sa bahay ko eh." Malumanay na sinabi ni Ranz yun, hindi naman sya mukhang galit. Kaya medyo nawala yung pag-aalala ko.

"Kasi Ranz, nung--" napahinto ako, paano kung balikan nya si Coleen kapag sinabi ko sa kanya na umiiyak sya kanina. "Is there something between you and Coleen? Magkaaway ba kayo?" biglang kumunot yung noo ni Ranz.

"Hindi Abby.." napalingon sya sa ibang lugar. "Tara na.." tinalikuran nya ko, pero hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay nya.

"May hindi ba ko alam Ranz?May isinisikreto ba kayo sakin?" napabitaw na lang bigla sa kamay ko si Ranz.

"Abby, bakit ka ba tanong ka ng tanong?" napakunot noo na lang ako sa sinabi ni Ranz.

I know that there is something wrong.

"Coz I wanted to know the truth!Ranz!I know that you have a girlfriend. Halos araw-araw na tayong magkasama. Pero ni minsan hindi ko nakita ang girlfriend mo. Ranz, may girlfriend ka ba talaga? Oh ginagawa mo lang yun na reason para hindi ako umasa na magkabalikan tayo? Ano ba talaga Ranz? Nahihirapan na ko eh. Wala na kong maintindihan." Natahimik naman si Ranz nun.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now