Chapter 45 - Follow your Heart

1.3K 18 8
                                    

Chapter 45 – Owy

Bago kami pumunta ng NAIA ni Alexia at si Cav na tinext ako para makisabay, kasama ko si Oliver.. Sa katunayan, nagusap kami noong umaga na pupunta siya dahil nabored na rin naman siya sa bahay.

Nagpresinta naman si Alexia na gamitin yung mini van nila. Hindi naman ako marunong magdrive ng ganun, kaya sobrang hiyang hiya ako nung tinawagan pa niya yung Tito niya para ipagdrive kami. Eto namang si Ully at Biboy, nauna na raw at sumakay na ng taxi. Sabi na lang nila, pag pauwi sasabay sila.

Kalapit ko si Alexia sa byahe. Tahimik siya ngayon, nasa window side siya. Noong tinignan ko siya, narinig kong sinabi niya ang pangalan ko...nakatulog siya?

"Owybabe...Kelan ba????" Anong ibig sabihin nun? Nakapatong yung ulo niya sa may bintana, kinuha ko iyon at pinilit na ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.. Hinawi ko ang buhok niya para maayos ang higa niya. Nanginginig pa yung kamay ko noon.

Nandun na daw sina Ully at Biboy, malapit na rin naman kami. Tinapik ko ng mahina ang pisngi ni Alexia, at nagising naman siya. Medyo nagulat pa siya dahil nakapatong siya sa balikat ko.

"Malapit na eh.." Ngumiti ako. Bigla naman niyang tinakpan yung buong mukha niya. "Wag kang mag-alala, wala namang mali sa mukha mo. Maayos pa din." Sabi ko. Sinuklay lang niya yung buhok niya gamit ang kamay niya.

"Hehe thanks Owybabe." Bumaba na nga kami, nakita ko si Ully at Biboy na nakatayo lang dun sa may lilim.

"Abby!" Tawag ni Ully kay Abby nung makita siya na kumakaway. Lumapit kami sa kanya, niyakap siya sa huling sandali.

Pagkatapos inaya niya kami malapit sa lobby ng loob ng NAIA. Naghintay kami doon. Alam ko lahat, napansin si Abby na may hinihintay siya. SIno pa ba? Si Ranz lang naman...

"Abby.."

*Before the recent event* - Oliver

Pakatok na ako ng pinto ng bahay nina Coleen. Naistuck yung kamay ko doon, habang nakaclosefist. Kaya ko ba siyang kausapin pagkatapos ng saktan ko siya?? Baka mas lumala pa yung sakit niya dahil sakin. Kakayanin niya din ba kong kausapin?

"Oliver....?"

Napalingon ako sa likod ko, hindi ako nagkakamali. Kilalang kilala ko ang boses niya.

"Ranz.."

"Mukhang mas kailangan ka niya ngayon Ranz.." sabi ko sa kanya. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Kailangan niya tayo Bro."

Naalala ko lang, si Coleen yung taong medyo napagawayan namin ni Ranz. Pero siya rin pala yung dahilan para magkalapit uli kami.

"I already texted Chi, para pagbuksan tayo. Kanina pa ako nakatayo dito, hindi ko alam kung lalapitan ba kita. Dahil, alam ko na may namagitan sa inyo. Ver.."

"Ranz Sorry...Hindi ko naman sinasadya to eh, Hindi ko sinasadyang mahalin siya...Mahal na mahal ko si Coleen.." Napatungo siya, oo hindi ako nahihiyang sabihin na sa kanya yun. Kahit alam kong may nakaraan sila. Pero gusto ko ng sabihin to sa kanya, para malaman niya kung gaano ako ka sincere kay Coleen. Hindi sa paraan na parang inagaw ko si Coleen sa kanya.

"Kanina, pinuntahan ako ni Cav. Sabay sana kami pumuntang NAIA, sabi ko hindi ako pupunta. Pero alam mo bro. May dalawang bagay akong narealize, Kung sino yung mahalaga para sakin, at kung sino yung may kailangan sakin. Alam mo kung sino yung mahalaga sakin ngayon??" Sino pa nga ba???

"Syempre si Coleen.."

"H-hindi...Coleen needed me right now. Ikaw din. Pero si Abby, si abby na ilang pilit kong pinigilan para hindi umalis..still gusto ko pa rin siyang pigilan..ibig sabihin ganoon siya kahalaga sakin. Namili ako hanggat may time pa, dahil ayaw kong may mamissed sa dalawa.."

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now