Chapter 30 - The Truth

3K 30 23
                                    

Chapter 30 - Coleen

"Oliver, wala na kami.." sinabi ko yun, habang yakap yakap ko sya. Habang tumutulo ang mga luha ko sa damit nya. Hindi ko rin alam kung bakit ganito na lang yung pakiramdam ko na magiging maayos din ang lahat, kapag kasama ko sya.

"Coleen, if you wanna say something. Handa akong makinig. I will listen to you, kahit ilang oras pa. Basta, pakikinggan lang kita..." humawak sya sa ulo ko nun, paibaba sa braso ko. Pagkatapos nun humiwalay na ko sa pagkakayakap ko sa kanya.

Pinahid ko ang luha ko tsaka ako tumingin sa mga mata nya.

"Sorry kung naabala kita Oli, sorry kung ganito ako sayo. Hindi ko rin alam kung bakit ganito na ko kakomportableng kasama ka. Ang alam ko lang, ikaw lang yung tanging masasabihan ko nitong problema ko. Dahil bukod sa bestfriend kong si Chi. May tiwala ako sayo Oli." Nakatingin lang naman si Oli sakin nun. Ano kayang iniisip nya. Ni wala syang reaksyon sa sinabi ko. Tama bang sabihin ko sa kanya yun?

Nagkamali ba ko?

"You don't have to say sorry Coleen. I'm happy that you trusted me.. " tsaka naman sya ngumiti sakin. "So, should I take those words as a sign that were best friends now?"

"sure!" Nakangiti kong sagot sa kanya, kahit na nalulungkot pa rin ako sa nangyari samin ni Ranz. Kahit papano, parang nawala yung sakit na nararamdaman ko.

Dahil sa kanya.

"Mama, gusto ko po sa Ferris wheel tayo sumakay ah.." napalingon ako dun sa batang nagsalita dun sa likod ni Oli, kasama nya yung Mama nya. Siguro papunta sila ng Perya. Napalingon rin naman si Oli at napatingin dun sa magkasama mag-ina na sumakay na ng jeep.

"Coleen, gusto mong pumunta muna tayo ng perya bago kita ihatid?" napatingin na lang ako kay Oli at nakangiti sya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip nya."Ahh..okay lang ba sa inyo na gabihin ka?Baka kasi magalit Daddy mo.." napatingin ako sa wrist watch ko. 8 pa lang naman. I'm sure nandun pa si Papa sa bahay nina Tita Ivy,

"ok lang Oli, wala pa naman siguro si Papa sa bahay." Pagkatapos kong sabihin yun napa wide smile na lang sya.

"Tara!H'wag kang mag-alala. Treat kita."

Nagulat naman ako sa sinabi nyang treat nya ko. Wala naman kasi akong balak magpalibre sa kanya. Tsaka sa perya lang naman kami pupunta. Bigla naman syang nagpara ng jeep at sumakay na kami. Magkatabi kami nun sa dulo nung jeep, sya na rin yung nagbayad ng pamasahe hanggang makarating kami dun sa perya. Medyo may kalayuan samin. Pero sabi naman ni Oli, malapit lang naman daw yung bahay nila dun. Kung sakali magpapahatid na lang ako sa driver nila.

Dumating na kaming dalawa dun sa perya, agad naman sumalubong samin yung mga nag-aalok ng ilang mga cute na ring,necklace,bracelet at kung ano-ano pa. Napagkamalan yata kaming couple ni Oli.

"Coleen, gusto mo ng popcorn? Wait lang ha, bili lang ako.."

Bago pa ko makasalita nakalayo na agad sakin si Oli. Hindi ko pa nga nasasabi kung gusto ko nga eh. Kaya ayun, naiwan na lang ako dun. Pero after 5 minutes din naman bumalik din sya, nakakapagtaka nga dahil natagalan sya.

"Eto oh," iniabot nya sakin yung isang supot nung popcorn. Di gaya sa mga karaniwang popcorn na kinakain ko. Nasa plastic yung popcorn. "wag kang mag-alala, malinis yan." Tsaka sya ngumiti.

"Hindi ko naman inaalala yun, ang cute lang kase nasa plastic." Sabay ngiti ko naman. "tara sakay tayong rides" pagyayaya ko sa kanya. Pero parang bigla na lang syang namutla. May nasabi ba kong hindi maganda?

"Rides? Carousel? Gusto mo dun?" bigla naman ako napatawa ng malakas. Seryoso ba syang pasasakayin nya ko ng carousel?

"Oli, di na ko bata no! Ikaw talaga.." napahampas pa ko ng bahagya sa braso nya "sakay tayo ng ferris wheel." Pagyayaya ko.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now