Chapter 32 - If I was your boyfriend

2.8K 27 11
                                    

Chapter 32 - Oliver

Ang ganda ng bungad ng umaga ko, nakita ko si Coleen at binati ko siya, tapos binati niya rin ako at nginitian pa!

"Bestfriend, nakakababa mamaya. Woo." Sabi ni Coleen, hindi pa man din ako nakakaupo.

"Oo nga eh. Pero kaya natin yan! Uy, GoodMorning Biboy Irish....tsaka.. Ranz. GoodMorning, si Abby nasan?" Tanong ko sa kanila. Nilapag ko na rin yung backpack kong suot katabi ni Coleen. Parehas lang kaming nakatingin sa direksyon nila.

"Goodmorning din," Sabay na sabi ni Biboy tsaka ni Irish, pero etong si Ranz nakakunot na naman ang ulo. Hayaan niyo na nga yan, gwapo naman kasi kahit ano pa itsura niya. Tumayo si Ranz tsaka pumunta sa unahan, ano kayang gagawin nito?

"Attention lang Guys!!" Sigaw ni Ranz sabay hataw nung blackboard namin ng isang beses na ikinagulat ni Coleen. Napatingin pa kami sa isa't-isa, ako naman nagkibit balikat sa kanya.

"Pinapasabi ni Sir, na sa Auditorium tayo magpeperform ngayon. Kaya, ihanda niyo na yung gamit niyo, baka tayo kulangin sa oras."

"HA, ano ba yan?"

"Nakakahiya naman.."

"WOW!"

Ibat ibang reaction nung mga classmates ko, nagkakandaingayan na naman sila. Kaming dalawa ni Coleen, nagkatinginan lang ulit. Bakit naman kaya sa auditorium pa? Ang laki laki kaya nun?

Pagkatapos na sabihin yun ni Ranz, bumalik siya sa upuan niya, tsaka kinuha yung bag at lumabas na ng pinto.Yung ibang mga classmates ko, umalis na din.

"Sige ako na magdadala Coleen." Binitbit ko na yung gitarang dala ni Coleen.

"Sige, thank you.. tara."

"Sabay na tayo Coleen." Aya sa kanya ni Irish, tapos nagsabay sila ng lakad palabas. Pero nagulat ako nung nakita ko si Ranz na nasa labas pa pala ng room namin.. Hinihintay pala niya kami..

"Oh Ranz, kala ko nauna ka na." Tanong ni Biboy.

"Nakakahiya naman sa mga kaibigan ko, kung iiwan ko sila.. Di ba nga Oliver?" Maangas yung tono niya, pero nakangiti naman. Minsan talaga weirdo din tong si Ranz eh.

"Ha, Eh, Oo. Haha. Tara na nga." Sagot ko naman.

*Still at MountWest Academy* - Biboy

Hindi ko akalain na ang bagal pala namin? Nag CR pa kasi yung dalawang girls, kaya pagdating namin may tatlo ng nakakapagperform? Tapos ang magaling lang, dumadami yung tao sa Auditorium. Hindi ko alam kung bakit, wala ba silang mga klase? Naku naman, baka kabahan tong si Irish. Ako , okay lang naman sakin kasi sanay na din akong humarap sa madaming tao.

"Pototoy...ay este Biboy!" Bigla na lang niya kong hinampas, na parang nagulat siya. "Ang daming nanonood eh."

"Okay lang yan, masasanay ka din."

Nakapila na nga pala kami sa magpeperform, sa likod namin sina Oliver. Tapos si Ranz sa dulo, mukhang wala pa si Abby.

"Oliver, sasayaw ka ba?" Tumalikod kaming dalawa sa direksyon nila ni Coleen. Si Coleen naman, nakita kong nakafocus yung tingin sa nagpeperform. Kinakabahan kaya siya?

"Hindi eh. Mukha bang sasayaw ako sa lagay na to." -Tapos tinaas niya yung gitarang hawak niya, na ngayon ko lang napansin.

"Sensya naman, malay ko bang si Coleen, maggigitara din.." pag-fake na tawa ko.

"Adik ka talaga Bro. Grabe, dulo tayo. Late kasi eh. Coleen okay ka lang? "Sabi niya kay Coleen habang winawagaywagy yung kamay niya sa harap nito, napatulala na kasi dun sa nagpeperform eh.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now