Chapter 24 - Still In Love

3.5K 37 32
                                    

Chapter 24 - Owy

Parehas kaming napatulala sa sinabing yun ni Ranz, nakita namin siyang kasama si Abby. Pero ang pinagtataka ko, kung bakit nandito si Abby. Lalapit pa sana kami ng mamukhaan ko yung dalawang taong nasa harapan namin ni Cav. Napahinto na lang ako bigla sa paglalakad.

"Oh bakit?" napatingin siya sa kanina lang ay tinitignan ko.

"Anong ginagawa ni Abby dito?" bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako kay Cav Magkasama lang kami sa room ni Cav, kaya alam kong wala siyang alam doon.

"Ranz wait lang!" sigaw ni Abby.

"Abby, h'wag mo na kong sundan." sabi ni Ranz habang nakatalikod.

"Pero Ranz?Hindi mo na ba ko mahal?" napahinto na lang bigla si Ranz. Pero ang ikinagulat ko pa, ay ang paglabas sa Room ni Oli, at ni Coleen

"Oli?Coleen?" Pati ba naman si Coleen nandito? Anong ginagawa nila dito? Naramdaman ko na agad yung tensyon, lalo na sa kalapit kong si Cav, alam kong gusto niyang pumagitna sa pag-uusap ng dalawa. Dahil nga, may girlfriend na si Ranz.

Matagal kaming naghintay ng sagot ni Ranz para kay Abby.

"Sorry Abby, but I have to tell you something..." nilingon ni Ranz si Abby. Pagkatapos,mukha syang nagulat dahil nakita nya si Coleen at Oli.

"Ano ba yun Ranz?Bakit mo ba ko nilalayuan. I came back here just to see you." Kung hindi ako nagkakamali, umiiyak na si Abby nun.. "I came back here just to be with you. Bakit ganito ka sakin?" at rinig na rinig ko pa yung paghikbi niya. Mabuti na lang, konti na lang yung students sa corridor dahil uwian na. Pero ganun pa man, pinagtitinginan na sila nung ibang estudyante pa na dumadaan.

"You don't understand Abby, ganito ako kasi.." Kinabahan ako nun sa sagot ni Ranz, nakakaawa si Abby kung malaman niya na yung taong binalikan niya, may mahal ng iba.

Lalapit sana si Cav, pero mas pinili kong pigilin siya. Ayaw ko din namang makealam sa kanilang dalawa, dahil ngayon lang ulit sila nagkita at nagkausap. Pero sa nakikita ko ngayon,hindi sila okay. Parehas lang na nakatayo sina Oli at Coleen, alam kong hindi na din mapakali tong si Oliver upang ilayo si Coleen na kalapit lang niya.

"Abby, I already have a girlfriend..." Nagulat na lang ako nung hawakan ni Oli si Coleen sa wrist nito at hinila palayo. Lumiko siya sa direksyon namin, at nagulat nalang din siya na nandun din pala kami at nakikinig sa usapan nina Ranz at Abby.

"Oli!!" Hindi na ata napigilan ni Cav na mapasigaw kaya napansin kami nina Ranz at Abby. Nagpunas ng luha si Abby, at tsaka nagsalita. Nagfake smile pa ito, na akala mo eh walang nangyari.

"H-Hi... Cav at Owy. May time ba kayo? Treat ko, Mall tayo?" Ganyan naman lagi si Abby, alam namin sa t'wing may problema siya inaayaya niya kaming lumabas. Nakangiti pa talaga siya, pero namumula naman ang mata niya dahil siguro sa nagpipigil siya ng iyak.

"Sorry Abby, pero hindi ngayon."Sagot ni Ranz sa kanya, na humarap na din naman sa kanya.

"Owy, may pag-uusapan lang kami. Ingat na lang kayo pag-uwi."Pagkatapos nun, nilingon nalang namin si Ranz na sa kabilang direksyon dumaan sa tinakbuhan nina Oli kanina.

Nakayuko lang si Abby, na akala mo batang iniwan kung saan. Masakit yung sinabi ni Ranz, kung hindi lang sumigaw si Cav.. nasabi na niya kay Abby na si Coleen ang bago niyang girlfriend. Pero alam ko pa din namang, kahit na nagkahiwalay sina Ranz at Abby at di maganda yung naging epekto nun kay Ranz, still nararamdaman ko na kahit konti mahal pa din ni Ranz si Abby.

"Abby, okay ka lang ba??" Hindi naman lumapit si Cav nun sa kanya, nagtanong nalang siya dahil nag-aalala din naman kami. Kaibigan pa rin namin siya eh.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon