Chapter 25 - First Love

3.6K 30 28
                                    

Chapter 25 – Owy

"At tsaka syempre, sabi ko girlfriend na kita.." nanlaki yung mata ni Alexia nung narinig nya yung sinabi ko. Parang mali yata yung nasabi ko ah.Umakbay ako sa kanya tsaka ko sinabing "Kaibigang babae.." Tumingin lang naman sya sakin tsaka ngumiti. Ewan ko kung nagustuhan nya yung sinabi ko. Pero naramdaman kong hindi eh.

"Tara na Owy, uwi na tayo. May assignment pa kasi ako eh.." umalis naman sya sa pagkakaakbay ko sa kanya. Owy na lang tawag sakin? "Teka, asan si Oli?" palingon-lingon pa sya para hanapin si Oli.

"Ahh, di ko rin alam eh. Pero siguro uuwi din yun." San nga kaya nagpunta si Oli at Coleen? San kaya dinala ni Oli si Coleen?

"Ahhh.. Tara na." ngumiti na si Alexia, tsaka naman nya ko tinalikuran.

Hala, bakit biglang naiba yung mood nya? Kanina lang? Nagalit ba sya dun sa sinabi ko? Sumunod naman ako sa paglalakad nya. Nakakapanibago lang, bigla syang tumahimik. Di kagaya ng dati. Buong pangyayari sa araw nya, kinekwento nya eh.

"Alexia,uyy.." tumigil naman sya sa paglalakad tsaka lumingon sa direksyon ko.

"B- bakit? May problema ba?May pupuntahan ka ba?" tanong nya sakin. Mukhang ganun pa rin naman yung mukha nya. Hindi rin naman sya mukhang galit.

"Ahh, wala.. gusto ko kasi, sabay tayo." Tsaka ako ngumiti.

*At the Street* - Ullyses

Wala ba silang gagawin kundi magkulitan? Aba'y kanina pa walang pumapansin sakin dito ah. Hangin lang ako, ganon?

"Ehermmm..." tinignan ko pa kung napansin nila ako. "Ehermmmmmmm....." Napatingin na lang silang dalawa sakin.

"Oh bakit Ully?Masakit lalamunan mo?" napatingin na lang ako ng masama kay Biboy sa tanong nya. Hindi ba obvious na parang hangin lang ako habang kasama nila.

"Gusto mo uminom ka muna ng gamot Ully,bili tayo?" buti na lang napansin din nila ako. "Pototoy, tara bili muna tayo." Pagyayaya ni Irish kay Biboy.

"Ully, mauna ka na kaya. Ihahatid ko lang naman si Irish sa bahay at sa work nya eh." Bigla na lang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Biboy. Pati sa work ihahatid nya si Irish?

"Pototoy, wag na kaya. Kaya ko na, malapit lang naman yun sa bahay eh." Tumingin naman si Biboy kay Irish tsaka pinisil yung pisngi nya.

"H'wag ng makulit. I insist, okay?" sabi ni Biboy. At lalong nagsalubong yung kilay ko. Aba't parang hangin na naman ako ditong walang kausap. Umubo ako ng malakas.

"Ully okay ka lang!?" biglang lapit sakin ni Irish. Nag-fake smile naman ako kay Irish at tumingin ako kay Biboy para senyasan syang gusto kong sumama sa kanila.

"Okay lang ako Irish." Pagfake ko ng ngiti.

"Ully, diba may assignments ka pang dapat gawin? Tsaka mukhang masama ang pakiramdam mo, di ba?" nakita kong ngumiti ng fake si Biboy. "Ully?" mas gusto nyang makasama si Irish?

"Sige Irish, una na ko. Ingat na lang kayo ni Biboy ha.." nginitian ko na lang si Irish, tsaka naman ako nagpara ng jeep at sumakay kaagad.

Nakita kong nag-wave sakin si Biboy habang naka-wide smile. Hay nako, kung hindi lang talaga kita kaibigan eh.

Teka nga?! San ba ko naiinis!? Ihahatid lang naman ni Biboy si Irish. Hindi ko naman crush si Irish eh. Maganda sya, pero si Coleen pa rin talaga crush ko. Tsk tsk, Eh ano kung bawal. Crush lang naman eh.

Naiinis ba ko dahil mas gusto ng kasama ni Biboy si Irish? What am I thinking!? I'm not gay!

Hindi ako nagseselos no! Biglang gulo ko sa buhok ko

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now