Chapter 40 - Future Sister

1.6K 33 15
                                    

Chapter 40 - Biboy

Pagkalabas ko ng store nila, yung utak ko parang nabrainfreeze. Gusto niya si Ully? Perfect na nga siguro yung tingin niya dun sa mokong na yun. Eh ano naman ang tingin niya sakin?? Mahalaga rin kaya ako sa kanya? Gusto rin kaya niya ko? Ang dami kong tanong pero, parang hindi ko kayang tanungin ang lahat ng mga 'to sa harap ni Irish, lalo pa kanina.

Umuwi ako sa bahay ng luhaan, yung puso. Durog eh.

"Biboy, si Ully to. Pasok na ko ha?" Istorbo tong si Ully eh. Ano naman kayang kailangan niya?

"Ano?" Medyo malakas yung tanong ko. Nagulat siya nun kaya napaatras siya.

"Oy to naman, parang mangangain ka naman ng tao." Ngumuso siya, pagkatapos umupo dun sa gilid ng kama ko at humiga na rin. Ipinatong niya yung isang kamay niya sa ulo niya at tumingin sakin.

"Problema mo ba?" Tanong niya.

Nakaupo lang ako sa kama ko, sa laptop ako nakatingin. Sasabihin ko bang may gusto sa kanya si Irish? Psh, eh paano naman ako?

"Wala." Medyo madiin kong sabi.

"Anong nangyari? Bumalik ka sa store di ba? Yie, umamin na? Pero mukhang nahulaan ko dahil sa mukha mo palang di namukhang maganda."

"Bro advice na lang, paano mo masasabing mahalaga ka sa isang tao?"Tumawa siya.

"Gusto ka nun, tiwala lang. Pero sagot sa tanong mo, napakasimple. D I S T A N C E." yung word na yun, isang paraan lang ang nasa isip ko.

Yung layuan siya..

*Sa Jeep* - Cav

"Uy bro, ano bang meron?" Tanong ko kay Ranz na ang sama pa rin ng mukha. Mauuna kasi akong bumaba ng jeep, kaya tinanong ko na. Magkaharapan kami.

Lumingon lang siya sa direksyon ko. Badtrip ang mukha niya, at ginulo gulo ang buhok.'

"Ranz umayos ka nga, yung buhok mo." Kahit gusto ko mang ayusin yun para di naman nakakahiya, hindi pwede. Baka magmukha naman akong gay non.

"Problema? wag mong intindihin yung problema ng iba. Ayaw kong madamay ka pa.. Kayong Chicser."

"Kaibigan mo ko, kami. Kaya damay damay na kung kailangan. Kung gusto mo yung ganyan, sige. Pero nandito lang kami, okay? Para po." Tumigil naman yung jeep agad.

"Salamat Bro, sige ingat." Paalam ni Ranz na sakin.

Noong nakauwi ako sa bahay, agad kong tinext si Hazel. Kinamusta ko agad ang lagay niya. Hindi daw maganda, pero nadaan sa gamot. Sana lang maging okay siya lagi.

Sinabi rin niyang bago umalis ang Papa niya para bumalik ng ibang bansa para sa pagpapagamot niya, ay mamamasyal sila sa Baguio. Buong family niya. Sinabi ko na lang na mag-ingat palagi at alagaan ang sarili nya.

Mamimiss ko agad siya..

*At the restaurant* - Owy

Kanina pa nag-cr si Ver ah? Tagal naman nun, ako kinakabahan sa kanya eh. Hindi ko alam ang magiging reaction niya, basta ang gagawin ko na lang tatahimik kapag nagkaalaman na. Para di na lumala yung away pa namin ng kapatid ko.

"Louis, puntahan ko na Tito mo. Bantayan mo muna si Onin at wala pa din si Lance dito, okay?"

"Sige po Ma." Tumayo si Mama sa kinauupuan niya, si Onin naman may hawak lang gadgets kaya di naman problema na mawawala siya.

"Buti pa tong batang to, walang problema eh." Bulong ko. Napatingin si Onin sakin at tumatawa.

"No!"

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ