Chapter 51 - With You

1.3K 20 11
                                    

Chapter 51 - Ullyses

"UY!Brownout!" napalingon ako kay CAV, nakatingin sya dun sa bahay kaya napalingon na din ako.Maging silang lahat.

"Buti na lang napaapoy na tong bonfire." Sagot ni Ranz.

"DI ba nasa loob sina Kuya?" tanong ni Coleen.

"Pano makakalabas yun?" tanong ni CAV.

"Puntahan kaya natin??" yaya ni Biboy.

"Oh sige Bibs, una ka na." suggestion ko.

"Sinong may flashlight sa inyo?" tanong ni Biboy. Wow tapang. Tingin palang mula sa labas ng bahay mukha ng may kung ano sa loob eh.

"umm. May flashlight app tong phone ko." Sagot ni Ranz.

Aba ang tatapang nila ah.

"Sige tara?" aya ni Biboy.

"Ah kasama ba kame? Kala ko ikaw lang eh." Nagtawanan lang silang lahat sa sinabi ko. Seryoso naman ako dun eh. Pero at least natawa sila.

"Tara nga Ully, tayo na lang dalawa." Yaya sakin ni Biboy.

Aba hindi na no! Mas gugustuhin ko pang dumito kasama si Coleen cutiepie. Kaysa pumasok sa loob.

"Kaya mo na yan Bibs. Dito na lang kame" pag-fake na ngiti ko.

"Ully, blackmail gusto mo?" Kala ko ba bestfriend ko to, me pablackmail-blackmail pang nalalaman pala sakin.

"ano pang hinihintay mo? tara na sa loob." Kahit nanginginig ako sa takot, medyo ako pa ang unang naglakad papalapit sa bahay.

"Samahan ko na kaya kayo?" suggestion ni Oli. Naku Naku.. bitter pa rin ako dito eh. Kahit wala na syang chance kay Coleen. Feeling ko meron pa rin eh.

"Wag na Oli, kami na lang ni Ully." Lumapit naman sakin si Biboy at tinapik ako sa braso. Pina-move nya kong konti pero hindi ako gumalaw. "tara na ully."

"OY, Ikaw ang mauna. Ikaw ang may flashlight eh." Pagsimangot ko sa kanya.

"ay nako Ully." Nauna naman sya. Ang totoo, palusot ko lang yun. Pero ang dilim kaya nu!

*Vacation House* - Alexia

Nakayakap pa rin ako ngayon kay Owy. Nakakahiya man ang mga sinabi ko, pero na-stack ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Pakiramdam ko gusto kong matunaw sa sobrang hiya sa kanya.

"Alexia.. ahh- umm." Naririnig ko yung mabilis na pagkabog ng dibdib ni Owy. Ewan ko ba, bakit parang pareho kami ng nararamdaman ngayon?

"Owy, nakakahiya. Sorry. Takot lang kasi ako sa dilim eh. Brownout pa ba?" pagpapalusot ko na lang. Sa totoo lang sobrang nagbla-blush na ko ngayon. Yung yakap ni Owy, kahit hindi man mahigpit. Kinikilig pa rin talaga ako.

"Umm, oo. Sige. Yakap ka lang muna. Ok lang sakin." Narinig kong sabi nya.

"sorry talaga ah.." nakapikit pa rin ako ng mga oras na yun.

"Alexiaaa"

"Owyyy"

Boses na sumisigaw ng mga pangalan namin na nag-eecho pa sa loob ng bahay ang narinig namin ni Owy, kaya naman nangatog akong bigla sa takot.

"Alexiaaa"

"Owyyy"

"O- owy. A- ano yun?" napahigpit yung yakap ko sa kanya.

"Alexiaaa"

"Owyyy"

"Te- teka lang Alexia.." sobrang humigpit pa yung pagakakayakap ko sa kanya.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora