Chapter 1 - My friend's girlfriend

23.1K 277 80
                                    

Chapter 1 - Oliver

"One! Two! Three! Four! Five! Six! Seven! Eight!

Eight! Seven! Si- Oli!? Ano ba!? Wala ka na naman sa concentration mo?!" sigaw sa akin ni Ranz and everyone stops from dancing.

Ginulo ko yung buhok ko at tumigil sa pagsasayaw. Dahil alam ko naman na ako na naman ang nakita nya. Obviously, we're a dance group called Chicser. Anim kami sa grupo at si Ranz ang leader at choreographer. Pero minsan ay tulungan din kami, we shared ideas sa isa't-isa para mayroon kaming bagong natututunan. Hindi ko masasabi na sikat kami, pero kilala kami sa School. Sumasali din kami minsan sa mga competition outside the campus at nanalo din kami.

"Tignan mo si Owy--" nakatingin lang ako sa kawalan while Ranz is talking, as if I'm going to listen to him.

"Wait bro, pagpasensyahan mo na si Oli, kulang lang sa tulog yang kapatid ko..." Owy is my older brother. One year lang ang pagitan namin kaya minsan I just call him Owy.

"Naku Owy, pagsabihan mo nga yang utol mo.." nakita ko ang image nya sa salamin and he was scratching his head.

Tss..

Ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko, at tipong papalayo na sa kanila.

"Oli, ayos ka lang ba?May problema?" Kung pwede ko lang talagang sabihin na naiinis na ko sa leader namin sinabi ko na kay Kuya.

"Wala, gaya nga ng sinabi mo. Kulang ako sa tulog di ba?" inis na sabi ko, at iling lang ang isinagot ni Kuya Owy.

"Guys!tara na. Let's go back to practice!" yaya ni Ranz pero hindi ko yun pinansin.

"Tara na bro.." tinapik ako sa braso ni Kuya Owy at sumunod na rin lang ako sa kanya. Anong gagawin ko kung hindi naman ako yung leader ng group?

Po-formation na sana kami ng bigla namang mag-ring and cellphone ni Ranz. Agad nya naman kinuha at sinagot ang tawag na yun.

"Oh,hello babe!" Napatingin naman kaming lahat kay Ranz.

Wait, kakabreak-up lang nya dun sa previous girlfriend nya ah?Wow, bago na naman?

Sumesenyas si Ranz na tumahimik kami. Kaya naman nagsitinginan lang kami sa isa't-isa. As if we're asking each other kung kilala namin ang kausap ni Ranz.

"Ok lang po, eto medyo pagod na. Pero siguro kung nandito ka, mawawala yung pagod ko."

Nagtawanan naman ang mga kagrupo ko at sumenyas ulit si Ranz na tumahimik. Ako naman ay napataas na lang ang kilay sa ginagawang pakikipag-usap ni Ranz sa new girlfriend nya.

"Babe, miss na kita. Kailan ka ba dadalaw dito?"

Kanina,ang sungit -sungit sakin. Ngayon kung makipag-usap sa girlfriend nya, parang maamong tupa.

"Talaga, well that's great! See you then..." anong ibig nyang sabihin?Pupunta dito yung girlfriend nya?

"I love you too babe" tapos ibinaba na nya yung phone at nagtawanan naman sila. Dahil badmood ako ay hindi ko magawang makitawa sa kanila.

"Oh bakit?" tanong nya habang nakangisi pa. Nakuha pa nya talagang magtanong?

"Bro, tama ba yung narinig namin? I love you too?" nagtawanan silang lahat habang nakatingin lang naman ako. "Bro ang korni mo!" sabay akbay sa kanya ng isa sa mga kagrupo naming si Ullyses o Ully kung tawagin namin.

"Ranz, di ba kakabreak mo lang sa previous girlfriend mo?" tanong ko habang nakatayo sa gilid ng dancing studio.

"huh?previous girlfriend?" napataas kilay sya "ahhh, si Kim?Wala yun, kaibigan ko lang yun!"

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now