Chapter 33 - I love You?

2.8K 28 11
                                    

Chapter 33 – Ullyses

Di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kahapon. Bago pa man kami umuwi ulit sa Manila, nakita ni Kate yung wallet ko. Hindi ko naman alam kung nakita rin nya yung nasa loob.

"Mr.Webb, are you listening?" napatingala na lang ako at napatingin sa harapan. Napansin pala ako ni Sir na hindi nakikinig.

"Ah.. opo opo Sir." wag, lang sana akong natungin.

"Kung nakikinig ka talaga, anong sagot dito sa equation?" yan na nga bang sinasabi ko eh.

Pero, WAG kayo! Matalino yata to! Alam ko sagot dyan. Kala nyo ah.. Ahh....Ahhh...Pano nga ulit yan?

Napahawak na lang ako sa chin ko.

"Ully.... Ully..."

Uyyyy, may anghel na tutulong sa prinsipe. Sino naman kaya yun?Napalingon ako kay Chi.

Nakasulat sa papel yung sagot.

"Ully, ano ng sagot sa equation..?"

"Ahh... ehh... Sir... X+Y po?"patanong na isinagot ko.

"Hmmm.. very good. You may now sit down.." Kinabahan ako dun ah.. Napatingin naman ako kay Chi bago pa ko umupo. Crinumpled nya yung papel na sinulatan nya ng sagot.

She just saved my life.

"Uyy.. sina Ranz, Oliver at Biboy nagpeperform daw ngayon sa Auditorium. Sayang di tayo makakapanood. Si Sir kasi eh, tagal magturo."

"Oo nga eh, ano na kayang pinerform nila? Tanungin kaya natin si Ully?"

Ano yung performance na sinasabi nila? Ahhhh... baka yung prinaktis nila nun Saturday. Sa P.E. nga pala nila yun.

"Excuse me Sir!CR lang po.." magpeperform si Coleen. Gusto kong panuodin.Nagtinginan na naman sakin yung lahat ng classmate ko. Problema nila? Masamang mag-CR? Pinayagan naman ako ng teacher namin at nagmadali akong pumunta sa auditorium. Sana nga hindi pa tapos eh.

Pagkadating kong Auditorium, ang daming nakasilip sa pinto. Pwede bang manood ang ibang students??

Pasilip na sana ako sa loob, pero narinig ko na lang yung pagtili nung mga babaeng nasa tapat ng pinto. Ano naman kayang nangyari?

"Ahh.. excuse me lang.. Excuse lang.." Kundi lang ako gentledog, nasagi ko na tong mga to.

Totoo ba tong nakikita ko!?Napakurap pa ako ng tatlong beses bago magsink in sakin yung nakikita ko, Nakita ko na lang, nakahiga na yung dalawa sa stage...

Sina Ranz at Abby.

At...

Magka- KISS!?

Napatayo na lang bigla si Ranz, napatakip din sya ng bibig nya gamit ang left arm nya. Napaupo naman sa pagkakahiga sa stage si Abby. Tapos napahawak din sya sa labi nya.

Nagkatinginan lang sila ni Ranz nun. Tahimik lang ang lahat, hanggang sa biglang tumayo na lang si Abby. At tumakbo dun sa likod. Sa backstage..

Nakita ko namang sinundan sya nina Biboy at Irish. Nakita ko din si Oli na hawak ang wrist ni Coleen.

Laki ng kaganapan dito ah! Buti na lang nag- CR ako? Teka nga, Eh Auditorium to eh! Makabalik na nga!

*At Auditorium* - Abby

Nahila ko na lang bigla si Ranz ng madulas ako. Ang ikinagulat ko naman, matatangay pala sya ng pagkakahila ko..

Kaya pareho kaming napahiga.....at aksidenteng nagkiss kami. Tumakbo na lang ako sa backstage nung nakita ko yung itsura ni Ranz. Namumula sya, habang nakatakip ang labi nya ng left arm nya.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now