Chapter 49 - Happiness

1.3K 17 3
                                    

Chapter 49 – Biboy

Umuwi na nga kami noong dumating yung sundo, at himala na tahimik si Ully sa byahe? Pinagtripan kasi naman eh. Haha. Wala pang 30 minutes nasa vacation house na uli kami. Magaalas singko palang nung bumaba kami ng Van.

Syempre katabi ko si Sunshine ko palagi. Minsan kapag nagkakatinginan kami ngumingiti lang kami sa isa't isa. Awkward pa din siguro siya.

Naghiwalay na din kami nung pagdating doon, sila sa taas kaming boys sa baba. Pinagbantaan nga kami ni Alexia, wag na wag daw kaming aakyat. Strict daw yun! Lalo na kami ni Ranz! Haha.

"Guys, tawagin ko na lang kayo uli. Dun tayo kumain sa may kubo, tapos mag barbeque party tayo. Okay?" Sabi ni Alexia samin na nasa hagdan. Umakyat naman siya pagkatapos nun.

"Ge lang.." Matamlay na sagot ni Ully. Kakaiba tong taong to, ubos ata powers niya sa kakulitan niya kanina. Dumeretso na kami sa kanya kanyang rooms, patay ako nito kay Ully. Ka room ko siya, isama ko na rin si Cav na lumabas naman dahil may naiwan daw na gamit sa Van. Tatlo yung kama dito sa isang guestroom. Sina Oliver, Owy at Ranz naman sa kabila.

"Una na kong maligo Bro ha."sinabit ko yung tuwalya ko sa balikat ko, pero biglang hinatak ni Ully at nilagay sa leeg ko tsaka ako hinatak ng kaunti.

"Oy Ully!" Hindi naman niya hinatak hatak, nakasteady lang siya doon. Tapos tumatawa tawa.

"Ungas ka Biboy, kala mo mabablack mail mo ko no."

"Hindi na nga eh, to naman!" Hinatak ko pabalik yung tuwalya ko, tsaka humarap sa kanya.

"Tsaka isa pa, bagay naman kayo nI Chi ah? Crush ka nun di ba?" Asar ko sa kanya. Ayan na, nagbago na naman mukha niya. Ayaw na ayaw maaasar kay Chi. Pustahan, bukas haharanahin na niya yan.

"Hindi naman kasi siya yung C!" Bigla namang humiga siya dun sa kama niya.

"Eh sino ba? DI naman pwedeng si Catherine, Pero si Coleen Crush mo dati diba?? Oy, wag namang ganyanan pre...." Sabi ko. Imposible namang magustuhan niya si Catherine bigla, tapos si Coleen girlfriend ni Ranz dati, at ngayon may something pa kay Oliver...

Tumahimik siya bigla..

"Maligo ka na nga!" Tinalikuran ko na siya at dumeretso sa bathroom na nasa loob ng kwarto. Sino namang C yun? kilala kaya namin?

"Ully Bro san si Biboy??" Narinig ko ang boses ni Cav, pati pagsarado ng pinto.

"Inunahan akong maligo eh, ano ba yang naiwan mo??"

"Cellphone lang...hinihintay ko tawag ni Hazel"

"Ahh...burahin mo na kasi yung Video!"

Oo nga pala si Hazel, di nakasama dahil nasa Baguio naman.

*Still at Vacation House* - Ranz

Kahit nasa iisang bahay, magkatawagan kami ni Abby. Si Oli kasi tagal maligo eh. Si Abby rin naman hinihintay matapos si Irish.

'Napapansin mo yung dalawa kanina Si ver at Coleen? Sweet noh?'

'Sweet rin naman tayo ah?

''Kelan naman kaya naging sweet si Viniel??

"Sweet rin naman ako sa kanya dati ah??"

'Ahh..o-oo nga.

"Dati yun! Ikaw talaga sweetheart!" Napatingin sakin si Owy bigla, napalakas ata yung boses ko.

'Sweetheart ka dyan! Haha. E-y tapos na si Irish. See you Mamaya."

"Sige.." Nakangiti kong sabi.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now