Chappy 54 - For you I will

1.1K 17 6
                                    

Chapter 54 – Oliver

Pinakalma namin si CAV sandali, gusto niya kasing umalis. Di ko naman siya masisi, dahil nga nagulat din kami sa ibinalita niya. Ang alam ko si Hazel yung may sakit eh. Hindi ang kapatid niyang si Kate.

Nakatungo lang siya habang nakapatong ang dalawa niyang palad sa noo niya. Ayaw pa niyang magkwento kaya nagtataka pa rin kami ni Biboy. Nandito na rin si Ully dahil narinig nga niyang may kumalabog galing sa kwarto nila.

"Bro." Umupo si Ully sa tapat ni Cav. Hindi niya ito nilingon pero sumagot na rin siya sa wakas. "Mixed emotions..."

"Ba-bakit?" tanong ni Ully sa kanya. Hindi makapagbiro si Ully, dahil alam na niya ang nangyari.

"Kate is still young, pero wala na siya. A-at niligtas pa niya ang taong mahal ko." Nakatungo pa rin ito, pero mahina ang mga sagot niya.

"Alam mo wala ka naman dun eh, para magmukmok ng ganyan. Wala ka dun para maginarte ng ganyan, kaya ang dapat mong gawin bro. Magdasal na lang." Minsan talaga, si Ully masyadong prangka na.

Humawak si Ully sa braso niya, tinapik yon ng dalawang beses pero hinawi naman ni Cav.

"Yun na nga eh! Wala ako dun! Siguro kung nandun ako may nagawa ako para di mangyari sa kanila yon!" nagulat kami ng sumigaw si Cav at hinarap niya ang seryosong mukha ni Ully.

Parehas silang tumayo at sumagot ulit si Ully. Medyo may tension, kaya naman napilitan kaming lumapit.

"Wala kang kasalanan! at lalong lalo na wala karing maitutulong dahil tinawag na aksidente ang aksidente dahil hindi yun inaasahan, o sinasadya! Ano ba Cav?! Paano kung nandun ka nga?! Kaya mo rin bang mamatay para sa taong mahal mo!? Hindi mo inaalala ang mararamdaman niya, sayo lang iniisip mo." Nagulat kami ng biglang suntukin ni Ully si Cav. Napatumba ito ng konti. Lumapit si Biboy kay Ully at ako naman kay Cav.

"Ano ba Ully!? Bakit mo ginawa yun??" Tanong ni Biboy kay Ully.

"Para lang matauhan ka Cav, sorry bro." sabay naman walkout nito.

"Cav, okay ka lang?" tanong ko. Hinawakwakan niya ang pisngi niya. "Wala...wala ito sa nararamdaman ko ngayon."

*Girl's Room* - Chi

Narinig ko ang usapan ng Pinsan at bestfriend ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit umiiyak rin ang pinsan ko. Pero di ko siya maicomfort, dahil kahit ako may nararamdamang sakit dito sa dibdib ko. Matindi pa sa taong pinahiya, at mismo ang bestfriend kong si Coleen ay dawit ang pangalan sa nararamdaman ko.

Tumayo ako sa higaan, tumingin naman sila parehas. Lumingon si Coleen kay Alexia at pagkatapos sakin.

"Yan, magpinsan nga kayo. Parehas na maga mata niyo oh." Napangiti naman ako sa sinabi ni Coleen, nagkatinginan kami ni Alexia at parang baliw na pinagtatawanan ang isat isa.

"Broken hearted!" Turo namin ng sabay sa isat isa.

Sabay naming sigaw. Ngayon lang kami naging ganito, paanno stick to one siya kay Owy. Samantalang ako, ngayon lang nagkagusto ng todo sa isang lalake.

"Ang kulit niyo! Nagaasaran ba kayo?" Natatawang tanong ni Coleen.

"Ganyan talaga eh, Magsheshare ka ba Chi o hindi?" Umiling ako. I prefer to be silent, mas pipiliin ko ng magmove on lalong lalo na hindi naman kami talaga ni Ully. Crush ko lang naman siya eh, pero syempre masakit pa din yung sinabi niya dahil kahit kaunti umasa ako.

"Magsheshare pa bako? Naku alam niyo na yun, isa lang naman mahal ko eh." Sabi ni Alexia. Malungkot pa din ang mga mata niya. Nagagawa niyang ngumiti pero di kagaya ng dati na alam mong sincere.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now