Chapter 52 - My Savior

1.2K 19 6
                                    

Chapter 52 - Ranz

Humarang kaagad ako sa harapan ni Abby para hindi sya malapitan ni Zayn. Yung lalaking dapat ipapakasal sa kanya ng parents nya.

"Abby? What is the meaning of this??" tanong ni Zayn kay Abby habang nakatingin ito sa kanya.

"Zayn, you knew that I didn't love you." Humawak si Abby sa armwrist ko.

"Are you out of your mind Abby? I know that you knew the consequences of what you're doing." sarkastikong sabi nya. "Our parents are business partners right? And you know what will happen in your family business, if you're going to choose this guy" dinuro nya ako. "over me.."

Napatingin ako kay Abby, alam kong naguluhan sya dahil sa sinabi nitong lalaking to ngayon.

"Abby.." mahinang sabi ko sa kanya.

"Ranz" napalip-bite na sya nun. Siguro naguilty sya sahil sa sinabi ni Zayn.

"Abby, come with me.." inilahad ni Zayn ang kamay nya kay Abby.

"Ranz, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong sumama sa kanya, ayoko ng malayo ulit sayo." Yumuko sya sa balikat ko at yumakap sa braso ko.

"Zayn—Abby is not going with you.. "

"And who are you to say that?" taas kilay na tanong ni Zayn. Kung wala lang syang kasamang mga bodyguards, nakipagbubugan na talaga ako dito para kay Abby. Kaso sa dami nila, baka ma-ospital pa ko.

"I'm Abby's boyfriend.." nagsarkastikong tawa naman si Zayn.

"I'm her fiancée.."

"She didn't agree on that..." maikling sagot ko.

"But our family had a contract.."

"Ranz, sasama na lang ako. Ayokong may mangyari pang masama sayo o sa mga kaibigan natin. Baka madamay pa sila. Sasama na lang ako kay Zayn." Tumingin sya kay Zayn.

"Zayn, I will talk to my parents about this."

"Then we'll going back to U.S.. You're going back with me.."

"Abby wag.." pagpigil ko sa kanya. "Baka hindi ka na nila payagan pang bumalik dito.. Please Abby, Kung sasama ka sa kanya, sasama na din ako. Sasamahan kita.."

"Pero Ranz-- "

*At Vacation House* - Ully

Ughhh!! Hanggang ngayon nagi-guilty pa rin ako. Baka sobrang inaakala ni Chi, na gusto ko talaga sya. Napailing na lang ako at ginulo ang buhok ko.Sabihin ko na kaya?

"Chi!" tawag ko kay Chi nung makita kong nakaupo sya sa swing. Napatayo naman sya dun sa pagkakaupo nya sa swing.

"Ba- bakit Ully??" tanong nya. Para syang na tense nung nakita ako. Ang lamig lamig naman pinagpapawisan sya.

"Ah- ano, may gusto sana akong sabihin sayo. Tsaka gusto ko ding magsorry.." tama kaya tong gagawin ko?? Kasi naman eh, kung di ka lang natorpe kay Coleen. Di naman magkakaganito eh.

"Ba- Bakit ka naman nag-sosorry? Para saan?" Nakakahiya. Parang ang sama-sama ko namang ngayon.

"ahh, dun kasi sa.. ano-"

"huh?"

"umm.. Kasi— diba? nagjoke ako sayo nung tumawag ako sayo dati? Tsaka-- " pag-pause ko. "Nung sa van, si Coleen talaga yung, yung-- gusto kong makatabi. Nung nag zipline tayo, si Coleen talaga yung gusto kong makasama. Nung sa game, si Coleen talaga yung gusto kong bigyan ng bracelet. Tsaka kagabi, ang gusto ko sanang haranahin—si "

"si Coleen?" seryoso nyang tanong.. "Gusto mo sya Ully?"

"ahh- Chi, wag mo—wag mo sanang sasabihin sa kanya." Tumingala naman si Chi sandali.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon