Chapter 23 - I have a girlfriend

3.5K 33 16
                                    

Chapter 23 - Coleen

"Good Morning Papa" nag-kiss ako sa cheeks nya habang nagbabasa sya ng newspaper.

"Good Morning to my Princess. Please sit down" nag-smile sya sakin. Tsaka naman nya ibinaba yung dyaryong binabasa nya. Umupo na din naman ako gaya ng sinabi nya. "I'm going to tell you something, Coleen."

Papa looks so serious at Coleen na ang itinawag nya sakin, ibig sabihin nun. May importanteng bagay syang sasabihin sakin.

"Ano po yun Papa??" tanong ko naman, samantalang si Manang ay nagsasalin ng Juice sa baso ko.

"From now on, hindi ka na papasok sa Saint Maria." Napanganga na lang ako sa sinabi ni Papa.

"Ha?Bakit po?" kelan lang nung nabanggit nya yung balak na paglipat ko ng school. Kaya ikinagulat ko rin.

"Mabilis naman na naayos yung papers mo para makalipat ka, kaya. Mamaya sa MountWest Academy ka na papasok.." napanganga na lang ako ng sinabi yun ni Papa.

"REALLY!?" masayang-masaya kong sabi kay Papa. At gulat na gulat naman sya.

"Oh bakit mukhang masaya ka pa?" tanong sakin ni Papa habang nakakunot ang noo nya. "may kakilala ka ba dun?" Nag-over- acting yata ako.

Masaya ako dahil,makakasama ko na si Chi. At syempre si Babe. Excited lang talaga ako, sana maging classmate ko sya.

"Si Chi, po kasi, ngayon din yung lipat nya sa MountWest eh.." buti na lang hindi ko kailangang magsinungaling para lang makalusot sa pagiging excited ko.

"Ah ganun ba?Mabuti.. Para naman may kakilala ka na.." sabay inom naman ni Papa ng kape. "sya nga pala,may uniform ka na din." Tumingin naman si Papa kay Manang.. "Manang, pakikuha naman.." grabe,prepared na talaga si Papa.

Sana pala, hindi ko na ginawa yung mga assignments at projects ko. Sayang naman, nag-effort pa naman ako dun. Pagkadating naman ni Manang,ipinakita nya sakin yung uniform.

Upper knee skirt na dark blue ang kulay, tapos yung top, longsleeve na white. Tsaka may darkblue din na necktie. Ganito pala uniform sa MountWest?

"Ah,eto pa po pala Mam.." iniabot sakin yung isang box,tsaka ko binuksan.

"long socks?" sambit ko ng makita ko yung nasa loob.

Ang cute ng uniform sa MountWest, samantalang sa Saint Maria, kulang na lang lagyan kami ng belo sa ulo. Para magmukhang madre. Ang uniform kasi sa MountWest, lightbrown na longsleeve, pati yung palda hanggang binti. Kaya naman sobrang pagpapawisan ka talaga kapag nasa labas ka.Buti na lang airconditioned yung lahat ng rooms.

"Yan na yung isusuot mo, okay lang ba anak?" tanong naman sakin ni Papa. "Magiging komportable ka ba dyan?" Ngumiti na lang ako kay Papa.

"Ok lang po,uniform lang naman ang nagbago eh. I'm sure naman, yun at yun pa rin yung pinag-aaaralan sa school na yun. H'wag na po kayong mag-alala. Malaki na po ako, kaya ko na po ang sarili ko. Masasanay din naman po ako soon eh.." nginitian ko naman si Papa matapos nun.

"Ang bait-bait talaga ng princess ko.." pinisil ni papa yung cheeks ko.

"Papa naman eh, hindi na po ako bata. Dalaga na po ako no." Sinimangutan ko naman sya. Tinapik naman nya ng mahina yung pisngi ko.

"Sya nga pala anak,dun nag-aaral sina Louis at Lance kaya I'm sure makikita mo sila dun. Hindi ko nga lang alam kung anong section nila. Kaya hindi ko pa sila maipapakilala sayo." Pagpapaliwanang ni Papa.

"Si Louis at Lance po?"

"Oo, yung mga anak ng Tita mo. Yung mga magiging kapatid mo.." nakangiting sabi sakin ni Papa.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now