Chapter 47 - Just for today

1.3K 20 7
                                    

Chapter 47 - Ranz

"Buti nakasama kayo Coleen, Chi." Ngayon ko lang ulit nakita si Coleen, after the last time na makita ko sya nung may sakit sya. Mas mukha na syang okay. She even smiled to Alexia.

"Sorry insan ha. Ngayon lang kasi nasabihan ni Coleen ang Papa nya kaya ngayon lang kami naging sure na kasama." Pagsosorry ni Chi.

"Ok lang no! tara, sakay na tayo." Pagyayaya ni Alexia. "pero teka, mag-aayos pala muna tayo ng upuan." Ibinalik ni Alexia ang tingin nya samin.

"umm, may isa pa kasing upuan dun sa likod. Tapos, umm.." binuksan ni Alexia yung unahan na pinto ng van,kung saan nakaupo si Ully. Wala syang kakibo-kibo dun. Nakatulog pa yata. "hoy Ully, gising nga!" grabe lang din talaga manggising tong si Alexia. Kay Ully.

"umm, Ranz." Napatingin ako kay Abby. Nagising pala sya, nakasandal kasi sya sa braso ko habang natutulog.

"Bakit Abby?" tanong ko. Namumungay-mungay pa yung mata nya.

"Umm, dito mo na lang kaya sila paupuin?"

"ha? Ah um." Napalingon ako kina Alexia. Mukhang gumagawa na rin naman sila ng paraan eh.

"Bakit ba Alexia? natutulog yung tao eh."

"kasya pa ba dyan ang isang tao?" tanong ni Alexia.

"Umm, Alexia. Gusto mo tabi-tabi na lang kayo dito?" narinig ko sabi ni Owy. Kalapit nya kasi si Alexia sa bandang unahan.

"Hindi Owybabe. Stay put ka lang dyan.."

"Sino bang tatabi sakin?" sagot ni Ully.

"Si--" napatingin sya kina Coleen at Chi. "Chi?Mas kasya sya, maliit lang naman to eh." Sabi ni Alexia.

"Alexia naman." Sa tingin ko naasar si Chi dun.

"uy! Coleen! Chi....?"bati ni Ully.

"Sige na Chi, dun na lang siguro ako sa likod para makaalis na tayo." Sagot ni Coleen. Hindi nya alam nandun si Oliver sa likod. Matuwa kaya sya pag nalaman nya?

Natahimik naman si Alexia.

"O- ok. Chi dito ka na.." sagot ni Ully.

"Abby, matulog ka na ulit.." humawak ako sa ulo nya at nginitian ko sya. Ipinatong naman nya ulit yung ulo nya sa braso ko.

Sumakay na nga si Chi sa unahan katabi si Ully. Si Coleen naman ang sumunod na pumasok sa loob ng van. Napatingin sya kay Owy at CAV at nginitian nya lang ito.

"Hi Coleen. " bati ni CAV

"Hello." Napatingin naman sya kina Biboy at Irish. Kumaway sya. Tapos samin. Napangiti sya ng makita nya si Abby.

"Good Morning Ranz.." bati nya sakin habang nakangiti. Napatingin din sa kanya si Abby at nginitian lang din nya ito. May awkwardness paa rin. Di naman kasi maiiwasan yun. Napahinto naman sya nun napunta na sya sa likod. Siguro dahil, nakita nya si Oli.

"Ahh umm.. San mo gusto pumwesto?" tanong ng isang babaeng katabi ni Oli. Yung Diana ata yung pangalan.

"Umm, I'm Cath, sya naman si Diana. Classmates kami ni Alexia at Oli nung Elementary." Yung isa naman ang nagsalita. Hindi pa naman sila napapakilala samin ni Alexia. Siguro mamaya pagkadating sa vacation house. "gusto mo, dito ka na lang sa tabi ng bintana? Ok lang?" akala ko magtatabi sila ni Oli?

"Ha? A- ahh sige." Napatingin sya kay Oli nun. Bakit walang ginagawa yung isang yun? Magkahiwalay tuloy sila ng inuupuan ni Coleen.

Umupo na rin naman si Coleen dun sa tabi ng bintana.Pumasok na rin naman si Alexia sa van at umalis na kami. Halos tatlong oras lang din kami nagbyahe.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now