Chapter 53 - Gone

1.1K 21 14
                                    

Chapter 53 - Abby

"Abby? Ranz..?" Tawag samin nila Alexia pagpasok ng vacation house.

"I'm sorry guys, but we need to go." Sabi ni Ranz sa kanila. Nagpatuloy siyang maglakad papunta ng kwarto nila, tila ba nagmamadali siya at hindi man lang nilingon sina Oli.

Biglaan nalang kasi ang dating ni Zayn, at ewan ko kung paano niya kami natunton. Pero mas ikinagugulat ko, ay yung kayang gawin ni Ranz, just to stay with me. Just to be with me.

"Ranz di mo na kailangang gawin to." Papasok na sana siya noong hawakan ko ang braso niya. Babalik na kasi siya ng kwarto nila para mag-ayos ng gamit, at pagkatapos uuwi sa kanila para magpaalam.

"Boyfriend mo na ko Abby, hindi lang boyfriend na para mapasaya ka, samahan ka. Pero para maging masaya ka, kasama ako. Kahit saan pa yan Abby." humawak siya sa dalawang kamay ko, tinitigan niya ko ng deretso sa mga mata.

"Promise me Abby, uuwi ako ng kasama ka."

"R-ranz....?"

"I would take that as a yes, sige na. Hihintayin kita dito sa baba. Ayoko ng manggulo pa si Zayn dito sa rest house nina Alexia." Pumasok na siya ng tuluyan sa kwarto, at naiwan ako doon ng hindi siya napipigilan. Ayokong maging biglaan ang lahat, pero sarado na ang utak niya. Desidido na siya.

*Girls Room* - Alexia

Umakyat ako para icheck yung lagay ni Chi, di ko alam kung bakit siya umiiyak pero pinsan niya ko kaya may concern din naman ako katulad ni Coleen na bestfriend naman niya.

"I-ikaw ang, i-ikaw ang gusto niya.." Pabukas na sana yung pinto ng kwarto nila noong narinig ko yon. Napaatras ako ng konti. Dapat pa ba kong makisawsaw? Ni hindi ko nga alam kung sino yung pinaguusapan nila eh.

"S-sino??"

Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ni Chi, pero wala ng salita pakong narining. Kaya pumasok nako para icheck siya.

"Chi.." Napalingon naman si Coleen sakin, magkayakapan sila. Umiiyak lang si Chi sa balikat niya.

"Coleen.." Tinaas niya ang palad niya na ibig sabihin ay tumigil ako. "Alexia, pwede bang ikuha mo si Chi ng tubig??" tumango lang ako, paatras din akong lumabas ng kwarto at sinarado ito.

Bumaba ako ng hagdan, at nakita kong nagmamadali si Cav na pumasok sa kwarto nila.

"Uy anong nangyari kay Cav?" Tanong ko kina Biboy at Oli. Nagkibit balikat lang si Oli.

"Nakita kong worried na worried yung mukha niya, at narinig ko na may nasa hospital daw. Gusto namin siyang icomfort, pero bigla na lang tumakbo pabalik ng room." Sagot ni Biboy sakin. Kinabahan ako bigla, bakit ba parang nagsunod-sunod yung masasamang nangyayari.

"Hayaan muna nating mag-isa." Tinapik naman ako ni Oli sa balikat. Tumalikod ako sa kanila, huminga ng malalim at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig.

"gusto kita.." Nasa bungad ako ng pinto, papasok ng kusina ng marinig ko iyon. Bigla na lang ako pinagpawisan, nagwoworry na nga ako sa mga nangyari kanina lang... tapos ito???

Maririnig ko ang boses ni Owybabe na nagcoconfess ng nararamdaman sa iba...at magkahawak pa sila ng kamay?!

Halos bumaon na yung kuko ko sa kamay ko sa inis. Hindi sa kanya, pero dahil sakin ng nagmukhang tanga na magugustuhan din niya.

Kaya pala, may ilang na din siya. Dahil kasama niya yung taong gusto niya at nahihiya siya na baka hindi siya magustuhan dahil sakin? Dahil ba sa ginagawa kong feeling boyfriend si Owy?

"A-Alexia.." Napalingon si Catherine sakin, at binitawan niya bigla ang kamay ni Owy. Nakatingin lang ako sa kanila, masama ito nung una pero pilit kong binago para di mahalata.

"Anong ginagawa niyo?" Casual na tanong ko.

"I-ikaw? Kanina ka pa diyan?" Nauutal niyang tanong sakin. Ibig sabihin ba non, he's guilty?

"Kukuha lang sana ako ng tubig para sa pinsan ko..." Deretso ang tingin ko sa daan, lumakad palapit ng ref para kumuha ng tubig at baso. At pilit ko nading iniiwas ang tingin ko kay Owy.."Sige bye, Sige lang! Tuloy niyo yan." At sa huling sandali I made a fake smile bago umalis ng kusina.

Kumunot ang noo, salubong ang kilay ko. Galit ako. Pero di ako sanay na maging ganito. Masayahin akong tao, kaya ko nga sila inaya dito eh. Para maging masaya kami.

Pero eto pa pala mangyayari?!

Kumatok ako ng tatlong boses bago pumasok ng kwarto namin.

Inabot ko kay Coleen ang tubig na may baso at pagkatapos ay umupo sa upuan ng side table ko. Pilit akong tumitingala para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Ayaw ko kasing madagdagan pa alalahanin ni Coleen.

"Alexia.." Malamig na boses na tawag sakin ni Coleen. Nakahiga na doon si Chi na balot sa kumot, at hindi naman nainom ang tubig na kinuha ko. "B-bakit?"

"Umiiyak ka rin..." Napahawak ako bigla sa pisngi ko. Dali dali ko namang pinahid iyon. Bwiset na to. Masyado kasi akong umasa kay Owy, yan tuloy napala ko.

"C-Coleen..ang sama ko. Masama ako d-diba?" Napakunot siya ng noo. Pero umiling siya, lumapit siya sakin at kinuha ang isang upuan para himasin ang likod ko.

"Hindi ka masama Alexia, w-wala kang kasalanan kay C-Chi...A-ak.."

"H-hindi! Di mo ko naiintindihan eh. Dahil sa pesteng vacation nato. Feeling ko dinala ko yung malas dito, d-dahil sakin...Sina Abby at Ranz, aalis. Si Chi umiiyak.., si Cav may inaalala sa hospital, a-at at...at a-ako." Humikbi na ako, hindi ko napigilan ng tumulo yung luha ko. Bigla na lang niya kong yinakap.

"Wala kang kasalanan A-alexia..P-please wag mong sisihin ang sarili mo. Oo, kahapon masaya tayo. Pero lagi mong tatandaan na may katumbas kalungkutan ang bawat kasayahan ng tao sa mundo. Like everybody said, there was ups and downs."

H-hindi ko maintindihan yan ngayon, parang gusto ko na lang umiyak ng umiyak.

Sa kabila ng lahat..

gusto ko pa rin siya...gusto ko pa rin si Owy..

*Still at Vacation House* - Cav

"Ma! Pupuntahan ko kayo Ma! Ngayon na! Please! Sabihin niyo kay Hazel na hintayin ako. A-ano??? H-hindi pwedeng mangyari yan." Humahangos akong tumakbo sa kwarto namin, habang nililigpit ko ang gamit ko ay kausap ko si Mama sa Cellphone.

"We just received the news, Cav. Nalulungkot din kami, wala na siya."

"P-pero bata pa si Kate Ma.."

Para bang may lumukot sa puso ko, there was a joy at first. Pero, ngayon. Kahit na ligtas ang taong pinakamamahal ko..I just can't smile.

"Hihintayin ka namin...Im Sorry," Naibagsak ko bigla ang cellphone ko. Hindi ako makapaniwala sa nabalitaan ko.

Wala na nga ba si Kate..Natatandaan ko pa yung unang sinabi ni Mama na.

"She saves Hazel's life...Cav."

Dati halos sumuko na ko kay Hazel, na ipinangako ko sa sarili ko na. Oo, may mga bagay sa mundo, na kahit hindi mo makuha..makita mo lang masaya kana.

"Buhay si Hazel.." humihingal ako ng mabilis."Pe-pero ! AHHHHH!"

Naibato ko na lang ang gamit ko sa sulok na gumawa ng malaking ingay. Hindi ko alam ang magiging exoression ko, lahat ng bagay ng makikita ko, were all blurred.

"CAV! CAV! Uy anong nangyari!?"

"W-wala na si Kate.."


I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now