Chapter 46 - Vacation

1.2K 18 5
                                    

Chapter 46 – Ranz

"akala ko, hindi ka na dadating.." nilingon ko sya, magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Ni hindi ko nga alam kung san kami pupunta ni Abby. "Iniisip ko pa rin kasi na, si Coleen na ang mas mahal mo ngayon. Pero kahit ganun," Napangiti ako sa sinabi nya. Huminto kami sa paglalakad at hinawakan ko ang kabila nyang kamay.. "umasa pa rin akong dadating ka, kahit alam kong pwedeng hindi ka na dumating."

"Abby... lately ko lang din to narealize." Huminto ako sandali sa pagsasalita,at huminga ako ng malalim. "It's hard to pretend that you love someone when you don't, but" nakita kong maluluha na sya. "it's even harder to pretend that you don't love someone when you really do..." pagkatapos nun, ngumiti at niyakap nya lang ako.

"Abby, from then until now.... Ikaw lang ang minahal ko." I gently rubbed her back while whispering this to her.

"but how about Coleen? Hindi mo ba sya minahal?" dahan-dahan ko inialis sya sa pagkakayap sakin.

"Minahal ko sya noon, pero narealize ko yung pagmamahal na yun. Para lang mawala tong sakit na nararamdaman ko para sayo noon dahil sa pag-iwan mo sakin. Ibinuhos ko sa ibang babae yung nararamdaman ko para sayo. Dahil ayoko nga masaktan ulit. " napabitaw ako sa braso nya. "Siguro nga natutunan ko na lang mahalin si Coleen, dahil kakaiba syang babae. Siguro nakita kita sa sarili nyang katauhan, kung pano mo ako minahal noon."

"Pero di ba mahal ka niya?Di mo ba naiisip yung mararamdaman nya ngayon?" Napangiti ako, parehong-pareho sila ng ugali ni Coleen.

"Coleen loves Oliver.."

"talaga?" mukhang nagulat din sya sa sinabi ko.

"yes.." nag-wide smile ako athinawakan ko ang dalawang kamay nya. " kaya nga... bilang kaibigan ko rin naman si Oliver. Pinaubaya ko na sila sa isa't-isa."itinaas ko ang dalawa nyang kamay at hinalikan ito.

"Abby, kung papayag ka.. Ikaw at ako, magsimula ulit tayo?" tumango lang si abby at niyakap lang ulit nya ko.

Ngayon ko mas naramdaman na masaya ulit ako kasama sya. Na tama ang naging desisyon kong piliin sya.

"I love you Ranz.." bulong nya habang nakayakap kami sa isa't-isa.

"I love you more Abby."

Pagkatapos ng sandaling yung, isinama ko muna sa bahay namin si Abby. Nagulat nga din ang pamilya ko kung bakit kami magkasama, nitong gabi-gabi nya. I explained to my parents everything, hanggang sa makarating kami dito ni Abby. Pumayag sila na dito muna sya manatili sa bahay namin. Habang hinihintay ang tawag ng parents ni Abby. Ang mga kapatid ko naman, tuwang-tuwa na makita sya.

I hope, hindi sya itakwil ng parents nya. Kahit na pumayag ang Mommy nya na sumama sakin, how about her dad?

"Ranz.." narinig kong tawag sakin ni Abby. Nasa veranda ako habang nakatingala sa langit.

"Abby.." sagot ko sa kanya. Tumabi sya sakin.

"Salamat Ranz ha? At sa family mo. Kung di dahil sa inyo, hindi ako magiging ganito kasaya. " humawak ako sa ibabaw ng ulo nya at meedyo ginulo ang buhok nya.

"wala yun.. naging mabait ka sa kanila. Kaya, ganun na lang ang turing nila sayo. Kahit sina Mommy, alam nila kung gano kita pinoprotektahan. Alam nila na mahalaga ka sakin at mahal kita. Kaya itinuring ka na rin nilang parang anak." Ngumiti naman sya sa sinabi kong yun.

"Abby,, simula pa lang to." Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita ko sa kanya. "oh" ipinorma kong parang paapir.

"huh?bakit?"

"I promise to take care of you and love you as much as you do."

"Di kaya, parang nagpropropose ka nyan?" napatawa sya.

I'M CRAZY IN LOVE WITH MY SISTER?! (Self-Published)Where stories live. Discover now